CP1:Boomerang

107K 2.2K 1.3K
                                    

Halos magsasampung taon na ang nakalipas nang pumutok ang issue tungkol sa kilalang eskwelahan. Ito ay ang St. Venille, naging matunog ang pangalan ng eskwelahang ito sa buong kamaynilaan dahil sa kinasakngkutan nitong isyu. Pagkatapos ng isang taon, agad itong ipinasara ng pamahalaan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanatiling misteryo at palaisipan sa publiko ang biglang pagpapasarado sa sikat na St. Venille. Ipinalabas na lamang nila na maraming kailangang ayusin sa facilities ng school. Ang dahilan ng pagpapasara sa eskwelahan? Ito ay dahil sa misteryosong pagkamatay ng mga estudyante sa panganim na seksyon. Dahil sa malakas na kapangyarihan ng pera, nabigo si Mr. Lim at ang ilang abogado sa pagpapakulong sa pamilyang Mendoza. Ngunit lahat ng kasalanan ay may katumbas na kabayaran, makalipas ang tatlong taon, nasunog ang bahay ng mga Mendoza. Tanging si Shannah Mendoza lamang ang nakaligtas sa insidente, siya ang unica hija ng pamilyang Mendoza. Napunta sa kanya lahat ng kayamanan ng kanyang pamilya, sinubukan niyang patakbuhin ang kanilang kompanya sa murang edad.

Pagkatapos ng dalawang taon, napagdesisyunan ng dalaga na bumalik sa kanyang alma mater. Halos maubos ang kanilang kayamanan ng biglang naisip ni Shannah na bilhin ang eskwelahan. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagtagumpay ang dalaga sa kanyang plinaplano. Siya ang umupong presidente ng eskwelahan, marami siyang papeles na inayos para muling mabuksan ang eskwelahan. Makalipas ang tatlong taon, hindi nagtagal ay nagawa niyang maibalik ang pangalan ng eskwelahan sa sarili nitong paa. Muling nagbukas ang St. Venille, agad itong kinagat ng publiko at nagunahang makapagenroll sa sikat na paaralan. Sa kabila ng mataas na posisyon, ginusto niya pa ding umupo bilang principal ng St. Venille. Magda-dalawang taon niya na itong ginagawawa, maayos at tahimik ang kanyang buhay sa ngayon. Ibang-iba ang Shannah Mendoza noon sa ngayon. Wala siyang problema at masaya siya ngayon sa kanyang buhay, hanggang sa ginambala siya ng kanyang madugong nakaraan. Isang babaeng nakakulay lilang baro ang kumatok sa pintuan ng kanyang opisina. Marahang tumayo si Shannah sa kanyang upuan at sumigaw.

Shannah:"Pasok! Sino yan?" Tanong niya, nang marinig ng babae ang sinabi ni Shannah ay agad itong pumasok.

Linda:"Ma'am, nandirito na po ang bago nating guro." Malumanay niyang sinabi, pagkatapos ay inabot ang isang kulay pulang folder na naglalaman ng resume ng bagong guro.

Shannah:"Ahh ganun ba? Tamang-tama, bukas na ang unang araw ng pasukan sa paaralan. Sige papasukin mo na siya, and pwede mo ba kong pagtimplahan ng kape Linda? Salamat!" Pakiusap niya sa kanyang assistant sabay lapag ng folder sa kanyang maliit na lamesa.

Linda:"Aba'y opo madam! Masusunod! Sige po, papapasukin ko na po siya." Magalang niyang sagot, pagkatapos ay nagbow ito. Palabas na sana si Linda nang muling nagbilin si Shannah.

Shannah:"Ahh Linda?" Tanong niya na agad namang nilingon ni Linda.

Linda:"Yes Madam?"

Shannah:"No milk, just honey and a half cube of sugar." Bilin niya sa kanyang assistant, agad napangiti si Linda.

Linda:"Sige madam, saglit lang ho."

Shannah:"Sige-sige, magsicr lang ako saglit." Agad dumiretso si Shannah sa loob ng banyo, samantalang lumabas naman agad si Linda para ipagtimpla ng kape ang kanyang amo. Habang nagtitimpla, pinapasok niya ang isang babae sa loob ng opisina ng punongguro. Nakasuot ang dalaga ng puting dress na may kapartner na black heels. Dahan-dahang naglakad papasok ang babae sa opisina ni Shannah. Mapapansin ang nakakurbang ngiti nito sa labi, tinitignan niya ang mga awards na nakuha ng guro na nakapaskil sa isang malawak na pader. Hindi din nagtagal ay pumasok muli si Linda sa loob ng opisina na may dala-dalang isang tasa ng kape na nakapatong sa isa puting platito. Inilapag niya ito sa lamesa ng punongguro at muling nagpaalam.

Linda:"Oh hija? Maiwan ko muna kayo ha? Nandyan na kasi si Mr. Ortiza sa baba, siya ang bagong doktor ng paaralan." Wika niya, napangiti ang dalaga sa kanyang narinig at para bang may naalala sa sinabi ng assistant. Nang makita ng babae na wala na si Linda, lumapit siya sa inihandang kape, dinukot niya ang isang mini transparent jar na may lamang kulay asul na likido sa loob. Mabilis niyang inalis ang lid nito at agad niyang ibinuhos ang laman nito sa kape. Kinuha niya ang kutsarita sa gilid at muling hinalo ang kape. Nang napakiramdaman niyang parang bubukas ang pintuan ng banyo ay agad niyang inilagay ang kutsarita sa orihinal nitong pwesto at muling bumalik sa kanyang pwesto.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon