CPXTRA:Root of all Madness

15.8K 449 91
                                    

Palihim na pumasok ang isang lalaki sa loob ng party. Nakangiti siya habang abala sa pag-suri sa apat na sulok ng kwarto ang kanyang mga mata. Hindi lubos niyang maisip na makakapasok siya sa party ng paaralang ito.

"Same place. Same hell." Bulong niya sa sarili. Humampas ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang mukha. Hindi maitago ang kanyang pagkakilig sa tuwa nang makita ang isa-isang pag-pasok ng mga studyante't mag-aaral sa kani-kanilang mga silid-aralan.

"Those eyes. They make me sick!" Nanggigigil na bulong ng binata habang tinitingnan ang mga mata ng mga tao sa kanyang paligid. "All those smiles will fade! I'll I paint your clothes with blood, and let's see if you can still smile." Napangiti siya sa tuwa matapos banggitin ito. Tumugtog na ang musika sa loob ng kwarto. Nagsimulang mag-sayawan ang mga imbitado sa party sa ritmo at kumpas ng tugtugin. Sa gitna ng masayang tugtugin, palihim siyang pumunta sa backstage. Doon niya kinita ang kanyang mga kaibigan. Lahat ay may iba't-ibang maskara na suot sa kanilang mga mukha. May mga maskara ng hayop, emosyon at demonyo. Ibinigay sa kanya ng dalawang babae ang kanyang maskarang isusuot. Kahugis ito ng kanyang mukha pero ang kanya'y mayroong nakadikit na korona. Nag-uumapaw ito sa pampakintab dahilan para makaagaw ito ng pansin sa lahat. Tumango siya sa kanyang mga kasama bilang senyas ng pag-usad ng kanilang plano.

"Venillians! Let's take all take a short break for a while. Together, let's watch a video made by the school's administration for this year's graduating students!" Magiliw na tanong ng DJ sa mga graduating students. Sabay-sabay na sumagot ang lahat ng Oo. Kasabay ng kanilang pag-sagot ay ang mga hiyaw na puno ng saya't pag-eenjoy. Lahat ay natigil sa kanilang pag-sasayaw at isa-isa nang bumalik sa kanilang mga assigned tables. Samantala, kapansin-pansin ang pag-pumwesto ng isang nakamaskarang lalaki sa gitna ng dance hall para manood ng video presentation.

"At last... the real party will begin." Mahinang bulong niya sa sarili na nasundan ng kakaiba niyang pag-ngiti. Kita sa kanyang mga mata ang labis na pagkasabik habang hinihintay na mag-play ang video sa screen. Nag-countdown na ang video sa malaking screen sa harapan ng stage. Bawat studyante ay tahimik na nakaupo sa kani-kanilang mga upuan. Nabalot ang buong kwarto ng gulat at pagkatakot nang makita nila ang dalawang studyante ng paaralan sa screen. Parehas silang nakasuot ng formal na attire. Nakasuit and tie ang lalaki, habang nakalong gown naman ang babae. Halata sa mukha ng dalawang studyante ang takot. Napuno ng suka ang kanilang mga damit dahil sa masangsang na amoy na bumabalot sa kwarto. Ito ay dahil mayroon silang katabing dalawang bangkay. Parehas itong nakatiwarik. Mapapansing nilagari sila pagtian ng kanilang mga katawan na nagsimula sa pribadong parte ng katawan ng tao.

Nagkatinginan ang binata't dalaga sa isa't-isa. Hindi nila maigalaw ang kanilang mga paa dahil nababalot ito ng semento. Napalingon ang dalawa nang makitang mayroong pumasok sa kwarto. Dalawang lalaking nakamaskara. Parehas silang nakasuot ng plague doctor masks at mahahabang kulay itim na baro. May hawak ang bawat isa sa mga lalaking ito ng matatalim na kutsilyo. Sa dulo ng kutilsyo ay mayroong simbolo ng bulaklak. Mukhang ito ay isang simbolo ng misteryosong samahan o organisasyon. Bawat studyante ay mabigat ang nararamdaman dahil sa kanilang pinapanood. Ang mga guro't event organizers naman ay abala sa paghingi ng tulong sa technical team para maitigil ang video na ipinapalabas.

Napuno ng sigawan ang kwarto nang makita nilang simulang ipadulas ng mga nakamaskarang lalaki ang kanilang mga hawak na kutsilyo sa pisngi ng dalawang studyante. Ilang sandali pa'y tinurukan nila ang mga studyante sa leeg ng syringe. Kakaiba ang laman ng syringe na ito. Mahahalatang isa itong lason dahil sa maitim na kulay na likidong nakapaloob dito. Kumuha ng dalawang maskara ang lalaki. Mga maskara ng payaso na napupuno ng matitingkad na kulay. Isinuot nila ang mga ito sa dalawang studyante. Nagbigay ito ng kakaibang takot sa mga nanonood na studyante dahil sa nakagagambalang ngiti ng mga maskarang ito. Malalkas na sigawan ang bumalot sa buong venue nang makita nila ang dahan-dahang pag-diin ng mga kutsilyo sa balat ng dalawang studyante. Sinimulan ng dalawang lalaki balatan ang bawat studyante. Nagsisisigaw sa sakit at pag-hingi ng tulong ang dalawang studyante, ngunit mukhang malabo na makahingi sila ng tulong sa kinauukulan sa mga oras na 'to.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon