CP22:Obfuscating Figures

27.6K 925 168
                                    

Sa loob ng private villa, naiwan dito ang grupo nila Keiffer. Ang kasama ng binata sa villa ay sina  Emmanuel, Rey, Xian, Yuki, Sunshine, Cynah, Czarinah at Mikasa. Nasa loob sila ng isang malaking kwarto ng villa kung saan mayroong nakalagay na malaking tv sa gitna. Kapansin-pansin ang mga gamit sa kwartong ito na mamahalin dahil sa pagkaantique nito. Mayroon ding mga kakaibang paintings na pinapalibutan ang kwarto. Ang mga babae ay kasalukuyang nakaupo sa sofa, samantalang ang mga lalake naman ang nasa sahig. Wala kahit isang umiimik sa kanila at tila pinagmamasdan lang ang palabas sa telibisyon, kung saan ang bida ay ang kanilang mga kaklase na sina Red, Blake at Nadine. Hindi na napigilan ni Keiffer at siya na mismo ang bumasag sa nakabibinging katamahimikan na bumabalot sa kwarto. Pinunasan niya muna ang namumuong pawis sa kanyang noo, at mariin na lumunok bago magsalita.

Keiffer:"G-Guys, look at that.." Wika niya habang nakaturo sa telebisyon. Dahan-dahang bumukas ang pintuan sa kwarto ni Red. Isang matipunong lalaki ang pumasok sa loob at kinarga ang kanilang kaklase habang wala itong malay.

Sunshine:"S-Si Red.." Nanginginig niyang pagkasabi.

Mikasa:"C-Clues, we need to find clues!" Natataranta niyang pagkasabi.

Xian:"W-Wait, look closely guys! Sa likod ng pintuan ni Red, may mga maliliit na numerong nakaukit dito." Seryosong pagkasabi ng binata.

Emmanuel:"N-Numero?" Pagtataka ng binata.

Xian:"Oo, numero, at ang mga numerong nakaukit sa likod ng pintuan niya ay ang numerong 13 at 5." Page-explain ng binata. 

Keiffer:"Numbers huh?" Wika ng binata, pagkatapos ay nagbuntong hininga ito at napaupo.

Sunshine:"Ang creepy naman niyan, pero I like it." Naeexcite na pagkasabi ng dalaga. 

Cynah:"One thing's for sure, may mga meaning siguro yang numbers na yan. Hindi naman yan nakaukit kung wala lang right?" Dagdag ng dalaga.

Xian:"Tama, and that's our mission. Kailangan nating malaman kung anong mystery ang nasa likod ng mga mysterious digits na 'yan." Matalino niyang pagkasabi.

Keiffer:"G-Guys look.. Si Blake naman ang sumunod." Pag-aagaw niya ng atensyon ng kanyang mga kasama. Agad naputol ang kanilang pag-uusap at pinanood ng mabuti ang ginagawang pagkuha kay Blake sa kanyang kwarto.

Xian:"Watch carefully, baka mamaya may mga numero ulit na nakaukit sa likod ng pintuan." Paalala ng binata sa kanyang mga kasama.

Emmanuel:"14, 4, 15?" Sunod-sunod niyang pagkasabi habang binabasa ang mga numero sa telebisyon. Napaatras si Mikasa at napahawak sa kanyang buhok na parang sinasabunutan ang sarili.

Cynah:"2 Even numbers and 3 odd numbers huh? Not to mention na yung iba sa kanila, ay consecutive numbers pa. Coincidence? Sa tingin ko hindi." Seryoso niyang pagkasabi habang pilit na iniintindi ang mga nangyayare.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon