CP9:Jealousy

37.8K 1.1K 182
                                    

Kinagabihan bago ang retreat nang mga studyante, mag-isa si Ms. Hazel sa teacher's dormitory. Nakaupo siya sa isang kahoy na bangko kaharap ang kanyang malapad na lamesa. Mayroong mga patong-patong na libro sa gilid, kalat-kalat na papel sa kanyang harapan at patong-patong na folder sa kanyang paanan. Hindi niya magawa ang kanyang trabaho nang maayos dahil binabagabag pa rin siya nang nangyare sa kanya kanina. Natatakot na siyang lumabas dahil baka sa susunod na mangyare iyon ay tuluyan na siyang mamatay. Napakamot sa kanyang ulo si Ms. Hazel at nagbuntong-hininga. Hindi niya alam ang kanyang gagawin nang biglang may kumatok sa kanyang pintuan. Marahang tumayo ang guro sa kanyang kinauupuan at dahan-dahang pumunta sa pintuan. Hinawakan niya ang door knob at inikot ito, akmang bubuksan ang pintuan nang bigla siyang magdalawang-isip. Inialis niya agad ang kanyang pagkakahahawak sa doorknob at umatras nang tatlong beses.

Ms. Hazel:"S-Sino yan?" Sigaw niya, pero wala siyang natanggap na sagot. Unti-unti siyang lumapit sa bintana na katabi nang pintuan para tignan kung sino ang tao sa labas. Dahan-dahan niyang inaangat ang kurtina nang bigla siyang nakarinig nang kalabog sa salamin.

Ms. Hazel:"Ahhhh!" Sigaw niya, sa sobrang gulat niya ay napaupo siya sa sahig. Mabilis niyang itinayo ang sarili at kinuha ang kanyang cellphone sa bag. Nang mabuksan niya ito, agad niyang idinial ang numero nang malapit na istasyon nang pulis sa eskwelahan. Samantalang tuloy pa rin ang pagkalabog sa kanyang bintana at tila gustong basagin ang makapal na salamin ng bintana sa kwarto ng guro.

***Ringggg!  Ringgggg! 

Ms. Hazel:"Sagutin niyo bilis.." Nanginginig niyang bulong sa sarili. Laking tuwa niya nang may narinig siyang boses sa kabilang linya.

                "Hello, sino to? Anong mapaglilingkod namin sa inyo?" Tanong ng babae sa kabilang linya. 

Ms. Hazel:"T-Tulungan niyo ho ako, may gustong pumatay sa akin dito. Halos dalawa na rin ang namamatay sa mga studyante ko. Tulungan niyo ho ako!" Pagmamakaawa ng guro, hindi niya na ring naiwasang maluha dahil sa mga nangyayare.  

                "Alam ko at hetong tatandaan mo, kahit saang pulis ka pa humingi ng tulong, walang kahit sino ang tutulong sayo. Mamatay ka katulad ng iba!" Sigaw sa kanya nang babae sa kabilang linya. Biglang natulala ang guro at bigla niyang naibagsak ang telepono sa sobrang gulat. Sakto namang tumahimik ang paligid nang ibinaba nang nasa kabilang linya ang telepono. 

Ms. Hazel:"Hindi, hindi ako mamamatay. Tama si Sakura, kailangan kong maging matapang at matatag para sa mga studyante ko." Seryoso niyang pagkasabi, pagkatapos ay itinayo niya agad ang kanyang sarili. Kumuha siya ng kutsilyo sa drawer at dahan-dahang lumapit sa pintuan. Hinawakan niya nang mahigpit ang doorknob ng pintuan at marahan niya itong iniikot para mabuksan.

Ms. Hazel:"Hindi ako natatakot sayo, kung kailangan kong pumatay gagawin ko! Tigilan mo na mga studyante ko! Tigilan mo na ko!" Sigaw niya pagkatapos ay tuluyan niyang tinulak ang pintuan para bumukas. Wala siyang nakitang tao, kundi isang kulay pulang envelope lamang na nakalagay sa sahig.  Nagdesisyon siyang maglakad-lakad upang magbakasaling makita kung sino ang nag-iwan sa kanya ng sulat na ito. Sa kanyang paglalakad, napunta siya sa tinatawag na Crossover Point. Dito kinokonekta ang tatlong dorms ng St. Venille, ang Dorm A na para sa mga lalake, B para sa mga babae at C naman para sa mga staff nang eskwelahan. Nakita niya dito ang magbestfriend na sina Czarinah at Michael na nakatambay sa gilid ng isang puno. Kumaripas nang takbo ang guro at agad pinuntahan ang dalawa, nag-aalala kasi siya na baka mayroong masamang mangyare sa dalawa.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon