CP5:Scrutiny

54.6K 1.3K 364
                                    

Nasa labas si Ms. Hazel ng venue at nagpipi-pindot ng mga numero sa kanyang cellphone. Hindi niya alam kung sino ang kanyang tatawagan dahil sa nangyare. Halatang-halata sa mukha ng guro ang takot at kaba sa kanyang mukha. Hindi rin maitaga ang panginginig ng kamay niya habang pumipindot ng numero. Nagkataon namang naglalakad sa hallway ang kanyang kapwa guro na si Ms. Princess Estebal. Siya ay isa sa mga guro ng 4-6 sa kanilang academic subjects. Ito ay ang Mathematics, Calculus. Matalinong guro si Ma'am Estebal, may kaliitan at medjo kakaiba ang kanyang way ng pananamit. Napakunot ang noo ng guro ng makita niya si Hazel na nanginginig sa takot, first time kasi niyang makakita ng karumaldumal na insidente.

Ma'am Princess:"H-Hazel my dear? What is happed to you?" Panimula niyang bati, oo, math teacher siya pero mahina siya sa English. Kahit na alam niya na mismo sa sarili niyang mahina siya rito, gustong-gusto niya parin gamitin itong lenggwahe. Nakakataas daw kasi ng status sa buhay kapag ginagamit, kahit na madalas ay gawing katatawanan ng ibang tao ang pag-gamit niya sa wikang ito. Napatingin si Hazel sa kanyang senior teacher at biglang nabitawan ang kanyang hawak-hawak na cellphone. Agad siyang yumakap sa guro kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Ms. Hazel:"Ma'am, may namatay  pong studyante sa loob ng venue." Paliwanag niya na siya namang ikinagulat ni Princess.

Ma'am Princess:"H-Ha? Nasaan ang mga bata? Kailangan natin silang puntahan." Natataranta niyang pagkasabi. Agad namang itinuro ni Hazel ang venue at sinabing hanggang ngayon ay nasa loob pa ang mga studyante na nagkakagulo. Mabilis na lumapit si Princess sa pintuan at agad itong binuksan. Sumalubong sa kanya ang isang lalake na may malaking laslas sa kanyang leeg. Napaupo rin siya dahil halos lahat ng studyante ay may dugo sa kanilang mga uniporme, lahat sila ay nakatingin kay Ma'am Princess at tila nagulat sa biglang pagpasok ng guro sa venue.

Mikasa:"Ma'am?! Tu-tulungan niyo po kami." Pagbabasag ng katahimikan ng dalaga, napatingin naman sa kanya ang magkatabing sina Travis at Esther.

Travis:"Kailangan na nating umalis dito, sila nang bahala diyan." Mahinahon niyang pagkasabi. Ngumiti naman si Esther sa sinabi ng kaibigan at dinagdagan ito.

Esther:"Wala na naman tayong maga-" Naputol ang kanyang sinasabi ng biglang nagsisisigaw si Taegan na nakaupo sa sahig, ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok habang umiikot ang kanyang mga mata sa iba't-ibang direksyon ng kwarto.

Taegan:"We're gonna die? We're all going to die?!" Nababaliw niyang sinisigaw habang tinitignan siya ng lahat. Halatang nagbreak down siya sa kanyang naranasan, takot kasi siya sa dilim, idagdag mo pa rin ang malaki niyang trauma sa dugo. Hinatak niya patayo ni Sarah si Taegan, dahilan para mas lalo silang pagtinginan ng kanilang mga kaklase.

Sarah:"Denisse, shut up, you're going bananas again?! Stop hallucinating!" Sigaw niya, pagkatapos ay sinampal niya ito ng malakas. Nanahimik si Taegan at parang natauhan, kitang-kita naman ang ginawang pagsampal ni Sarah ng guro kaya agad itong sinabihan.

Ma'am Princess:"Hey you two! Cut it out!" Sigaw niya, wala parin kahit isang studyante ang naglalakas loob na umalis ng venue kahit na napupuno na ang sahig ng dugo ng namatay na studyante. Pinulot ni Lee ang kanyang pusa na nabasa na ng dugo. Kitang-kita sa malambot na balahibo nito ang batik-batik na pula sa balat. Kulay puti kasi ito at may sobrang itim na mata. Kahit na may mga iba pang naguusap, hindi niya na ito pinansin at dumiretso papuntang pintuan kung saan nakaupo sa sahig si Ma'am Princess. Palabas na sana siya ng bigla siyang tinawag ni Mayumi.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon