CP23:Wicked Antipathy

28.1K 1.2K 258
                                    

Nabalot ng katahimikan ang kwarto sa ginawang paglisan ni Cynah. Lahat sila ay nakatulala,nagtitinginan at pinapakiramdaman ang isa't-isa. Tumayo si Keiffer at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ng pintuan.


Keiffer:"Kailangan nating hanapin si Cynah, hindi natin siya pwedeng hayaang mag-isa. Mahirap na. Alam naman nating delikado ang sitwasyon natin ngayon, hindi magandang naghihiwa-hiwalay tayo." Seryosong pagkasabi ng binata. Lahat naman ay nagsisang-ayunan dito, isa-isang lumabas ang mga kagrupo ni Keiffer maliban kay Mikasa, Czarinah at Xian.


Keiffer:"Oh? Hindi ba kayo sasama sa amin?" Tanong ng binata sa tatlo.


Czarinah:"Why would I?" Mataray na tugon sa kanya ng dalaga.


Xian:"Hindi na, dito muna kami ni Mikasa sa kwarto. Susubukan naming bigyan ng solusyon yung mga nakuha nating numero mula sa video." Wika ng binata. Napangiti naman si Mikasa sa kanyang narinig at sinang-ayunan ang binata.


Mikasa:"Oo, mas maganda na rin siguro, para in-case na dumating rito si Cynah, may madadatnan siya." Dagdag ng dalaga.


Keiffer:"Ganun ba? Oh sige, kayo na munang bahala diyan ah?" Masayang pagkasabi ni Keiffer.

Kasama ang mga natitira niyang mga myembro, sabay-sabay silang lumabas ng bahay. Umaasang makikita si Cynah habang wala pa ang kanilang ibang kaklase. Natigil lang sila lahat ng kinuha ni Keiffer ang kanilang atensyon. Kinapa-kapa ni Keiffer ang kanyang leeg at inilabas ang isang kwintas na may nakasabit na pito. Huminga siya ng malalim at hinipan ito, dahilan para marinig ito ng kanyang mga kagrupo.


Keiffer:"Listen up guys!" Buong boses na pagkasigaw ng binata. Isa-isang nagsilapitan sa kanya ang kanyang mga kagrupo. Lahat sila ay nagtataka sa biglang pagtawag sa kanila ni Keiffer.


Keiffer:"Umalis na ang grupo nila Aeron, pero may problema." Malamya niyang pagkasabi. Napakunot ang noo ni Emmanuel at nagtanong.


Emmanuel:"P-Problema?" Naguguluhan niyang pagkasabi habang nakahawak sa kanyang batok.


Yuki:"M-May namatay na naman ba?" Sumunod na tanong sa kanya ng kanyang myembro, kaya naman biglang napatingin ang lahat kay Yuki.


Yuki:"G-Ganito rin kasi yung nangyare sa batch nila ate."  Mahinhin niyang pagkasabi. Unti-unting humakbang papunta sa direksyon ni Yuki si Keiffer, pagkatapos, ipinatong niya ang kanyang dalawang kamay sa balikat ng binata.


Keiffer:"Ate? A-Anong sinasabi mo?" Curious na tanong sa kanya ng binata. Piniling itikom ni Yuki ang kanyang bibig tungkol sa kanyang ate. Ngumiti lang siya at bumulong..


Yuki:"Patay na silang lahat, huwag na nating balikan ang madugong nakaraan." Malamig niyang pagkasabi sa mga kasama. Dahil dito, nagkaroon ng misteryo sa bawat isipan ng magkakaklase. Kahit na naguguluhan na sa mga nangyayare, pinilit pa rin ni Keiffer na magpokus sa kanyang responsibilidad bilang lider ng grupo.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon