CP34:Playing Gods

21.2K 858 331
                                    

Lahat ng studyante ay tutok na tutok sa bawat eksenang kanilang napapanood. Hindi nila sukat akalaing kayang gawin ni Mayumi ito sa kay Kyla, lalong-lalo na't medyo naging close sila nung mga unang araw nila sa St. Venille. Hindi kinaya ni Cj ang kanyang pinapanood kaya hindi niya napigilang pilitin sila Zero na iligtas ang mga studyante. Kumaripas siya ng takbo papunta sa binata at mahigpit na hinawakan ang kwelyo nito.


"Ano! Ito ba ang gusto mong mangyare? Ang isa-isahin nanaman nila ang mga studyante! Gusto mo bang maulit muli ang nangyare sa nakaraan! Ha Zero? Sumagot ka!" Mangiyakngiyak na sigaw ng binata. Nakayuko lang si Zero't nakapokerface. Halata sa mukha niya na wala siyang interes na sagutin ang dating kaklase. Buo na ang loob niya sa kanyang desisyon, at mukhang hindi na ito mababago pa.


"Cj, tama na!" Awat ni Sakura sa binata. Tinignan ni Cj si Sakura at sinimulang kwestyunin ang dalaga.


"Ikaw Sakura? Hindi ba't guro ka ng mga studyanteng ito? Bakit nakakaya mong panoorin ang mga gan'tong bagay? Hindi ba't isa sa mga responsibilidad mo bilang guro ang bantayan at siguraduhin ang kaligtasan ng iyong mga studyante?" Tanong ni Cj. Halatang nailang si Sakura sa tanong ng binata at pilit na inilayo ang tingin sa kanya.


"Ano? Hindi ka makapagsalita? Bakit ba kasi natin kailangan magsunud-sunuran kay Zero? Ngayon lang naman siya dumating hindi ba?! Ano pa bang kai-" Naputol ang kanyang sinasabi ng bigla siyang sinagot ni Zero.


"Sige. Kung gusto mong pumunta roon para iligtas ang mga nabihag nilang studyante, papayagan kita, pero siguraduhin mong mag-isa ka lang." Malamig na wika ng binata.


Napakunot ang noo ni Cj sa kanyang narinig. Nagbuntong hininga't tinignan si Zero sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang nilapitan ito't bahagyang nginitian. Inilapat niya ang kanyang kanang kamay sa balikat ng binata.


"I'll be back.." Paalam ni Cj sa binata. Tumango lang si Zero sa sinabi ni Cj at tinulungang mag-ayos ng gamit bago pa man lumubog ang araw. Ang iba ring studyante ay tinulungan si Cj na magimpake. Ang iba naman katulad nila Venice at Julyanne, hindi matanggap ang gagawing paglisan mag-isa ni Cj. Kahit papaano, medyo naging malapit na sila sa binata. Siya kasi ang tumulong sa kanila sa oras ng kanilang pangangailangan, lalong-lalo na sa parte ni Julyanne.


"K-Kailangan niyo po ba talagang gawin 'to sir?" Nanginginig na wika ni Julyanne.


"Kailangan, para rin naman 'to sa mga kaibigan ninyo. Mas gugustuhin ko pang gawin 'to kaysa umupo sa gilid at panooring isa-isa namamatay ang mga studyante sa seksyon na 'to." Palabang wika ni Cj.


Ilang hakbang lamang ang layo nina Sakura, Zero at Maxine mula kay Cj. Tinitignan lamang nila ang binata mag-impake. Alam nilang delikado at malaki ang tyansa na hindi na makabalik pa si Cj, pero hindi nila pinapatay ang pag-asang magtatagumpay ang binata sa plinaplano nito. Lalong-lalo na't naguumapaw ng determinasyon at katapangan ang mga mata ni Cj na gawin ito ng maayos.


"Anong sa tingin mo, magagawa kaya niya 'to?" Pabulong na tanong ni Sakura sa doktor.


"Hindi. Isang kahibangan ang gagawin niya, parang pinatay niya na rin ang sarili niya." Malamig na wika ni Zero, pagkatapos ay bumalikwas ito kay Sakura at dumiretso sa loob ng kanilang Meeting Hall.  Napangiti na lamang si Sakura sa naging reaksyon ng binata, hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang Zero na nakilala niya sa St. Venille.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon