CP25:The Family's Jewels

25.1K 970 161
                                    

Unti-unting nasisira ang pintuan sa kwarto. Kinakabahan din ang tatlo sa mga susunod na mangyayare. Hindi nila alam kung ano ang motibo ni Rey sa kanyang ginagawa, pero nakatatak na sa kanilang isipan na mayroong kinalaman si Rey sa mga patayang naganap sa kanilang seksyon. Napahawak ng mahigpit si Xian sa kanyang mga kasama at sumigaw.


"Kumuha na kayo ng inyong armas pangdepensa sa sarili." Utos ng binata habang nanlalaki ang kanyang mga mata.


"We need to stain our hands with blood, in that way, we can survive." Malamig na bulong ni Mikasa habang seryosong nakatitig sa unti-unting nawawasak na pintuan.


"Get ready..." Bulong ni Xian habang marahang humahakbang paabante sa pintuan.


"I'm coming!" Wika ni Rey na nasa labas ng kwarto. Naging matagumpay ang kanyang pagsira sa pintuan. Hindi pa nagtagal, nagawa niyang mailusot ang kanyang kamay sa ginawa niyang butas, kinapa niya ang doorknob at binuksan ang pintuan. Seryosong nakatingin ang tatlo at halatang kinakabahan. Mariin na napalunok si Xian habang mahigpit na nakahawak sa kanyang hawak na lampshade. Nakarinig sila ng malakas na sipa mula sa labas, dahil dito, tuluyan nang nasira ang pintuan. Nagkaroon ng sandaling fog dahil sa mga alikabok sa hangin. Sa likod ng sirang pintuan, nakatayo ang isang binata. Si Rey, hawak niya ang isang mahabang kutsilyo, puno ng dugo ang kanyang baro at may suot siyang katakot-takot at misteryosong ngiti.


"Did you miss me?" Nanlolokong tanong ni Rey sa tatlong kaklase, pagkatapos ay nasundan ito ng kahindik-hindik na tawa. Hindi normal ang kanyang tawa, para itong halakhak ng isang nababaliw na tao.


"H-H-Hindi mo alam 'yang ginagawa mo Rey. W-Wala ka na sa sarili mo." Utal-utal na pagkasabi ni Xian. Hindi na nagsalita si Rey at tinignan niya lamang ang binata ng masama. Napaatras ng tatlong hakbang si Xian dahil sa katakot-takot na nanlilisik na mata ni Rey. Ramdam mo sa kanyang pagtitig ang poot at hinagpis na nararamdaman.


"A-Ano bang nagawa namin sa'yo at gusto mo kaming patayin?" Kinakabahang tanong ni Czarinah.


"Napunta kayo sa pang-anim na seksyon." Malamig na sagot ni Rey sa dalaga, pagkatapos ay ngumiti ito na parang lagpas taenga.


"Ahhhh!" Buong-lakas na sigaw ni Rey, pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay na may hawak na kutsilyo, nakatutok ito sa direksyon ni Xian. Kumaripas ng takbo si Rey papunta kay Xian. Pilit niyang sinasaksak ang binata pero nagagawang makaiwas ni Xian sa mga tama ng binata.


"Czarinah! Mikasa! Lumabas na kayo!" Sigaw ng binata habang umiilag sa mga ginagawang atake ni Rey.


"T-Tara na!" Anyaya ni Czarinah kay Mikasa, pero hindi sumama si Mikasa sa kanya.


"Paano si Xian?" Nag-aalalang tanong niya sa kaklase habang tinitignan ang binata.


"Lumabas na kay-" Sigaw ng binata habang nakatingin sa dalawang dalaga, hindi niya napansin na bigla siyang natamaan ng saksak ni Rey sa kaliwang tiyan ng binata. Nakangisi lang si Rey habang pilit na binabaon ang kutsilyo sa tiyan ng binata.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon