CP26:Skepticism

25.7K 972 352
                                    

Huminto ang van ilang metro lamang ang layo sa isang police station. Lahat ng nasakay dito ay nagtitinginan at pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang unang bababa ng sasakyan. Mabigat na isinandal ni Tristan ang kanyang likuran sa malambot na upuan ng sasakyan.


"Bakit ayaw niyo pang bumaba?" Nagtatakang tanong ng binata sa kanyang mga kaklase.


"T-Tara na. Sumama kayo sa akin Esther at Travis." Utos ng guro kasabay ng pagbukas niya sa pintuan ng sasakyan. Sabay-sabay silang bumaba at naglakad papunta sa station. Medyo kakaiba ang ambiance sa stasyon na ito, mayroon ka ring mararamdamang hindi maipaliwanag na aura na bumabalot dito.


"Matutulungan kaya nila tayo?" Naghe-hesitate na tanong ni Esther kay Travis.


"Siguro naman, mga pulis sila hindi ba? Trabaho nilang tulungan tayo." Walang ganang sagot ni Travis.


"Dito muna kayo ha? Papasok lamang ako sa loob para manghingi ng tulong." Wika ng guro. Naiwang nakatayo ang dalawang dalaga sa harapan ng stasyon.


Sa loob naman ng kotse, tahimik silang lahat at mayroon kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Ang iba'y nakikinig ng musika sa radyo, nakikipagkwentuhan at nagmamasid sa paligid. Nagbuntong hininga si Kyla at binasag ang katahimikan.


"Nasaan na kaya sila Julyanne at Venice?" Tanong niya sa mga kasama. Napatingin naman sa kanya si Skye at Kramer nang marinig nila ang pangalan ni Louie.


"H-Hindi ko alam. K-Kaya nga ako sumama rito para mahanap din siya." Tugon ni Skye habang nakatingin ng malayo.


"Sana ligtas siya." Pabulong na sagot ni Kramer.


"Kumusta na kaya ang iba nating mga kasama? Ligtas pa kaya sila?" Sunod na tanong ni Kyla sa mga kasama.


"For sure, okay lang sila. May tiwala ako sa mga kaklase natin na kayang-kaya nila 'yan. Naniniwala rin ako na malapit na 'tong matapos, kaunti na lamang."  Wika ni Astrid. Tahimik naman sa sulok si Alfheim habang nakasandal ang kanyang ulo sa makapal na salamin ng sasakyan. Marahang lumapit si Rence kay Alfheim.


"Oh? Alfheim, bakit parang ang lumbay mo diyan? Hindi ka ba natutuwa? Matutulungan na tayo ng mga kinauukulan. Malapit nang matapos ang paghihirap natin, malapit nang matapos itong karumal-dumal na larong ito." Pagcocomfort ni Rence sa dalaga. Bahagyang napangiti si Alfheim ngunit mahahalata sa kanyang mukha na mayroon siyang malalim na iniisip.


"Natutuwa ako." Matipid niyang sagot kay Rence. Napakunot ang noo ni Rence sa tono ng pagkasabi ni Alfheim sa kanya.


"Eh kung natutuwa ka, bakit parang hindi ko makita ang galak sa iyong mga mata?" Nagtatakang tanong ng binata.


"S-Si Aeron." Nanginginig na bulong niya sa binata. Mabilis na nagtubig ang kanyang mga mata at ilang saglit lamang, hindi niya na napigilang maiyak. Napalunok si Rence sa nakita niyang reaksyon ni Alfheim, medyo nakaramdam din siya ng pagkaguilty dahil iniwan nila si Aeron sa harap ng villa.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon