5MC [Special Chapter IV]

32.8K 366 28
                                    

NAWALA KAYA IPINOST KO ULIT! NALOLOKA AKO KAY MANONG WATTPAD. -____________-


                               5MC [Special Chapter IV] - VOWS

****

Ryan Chris' POV

"Babes! tangna! Gwapo mo na. Pakinshet, nababakla ako sayo." 

Kahit kelan tong si Kevin. Deputa ang expression. 

"Ulol. Gagu, kawawa naman si Olive kung magkataong mabakla ka nga." 

"Tol, itetrend mo ba yung bride yung mauuna sa simbahan at siya yung maghihintay kesa sa groom?" 

Bakit ko kaya mga naging kaibigan ang mga to? napaka-supportive. Kaya mahal ko. -__________-

"Tanga mo Jared, bakit kung itetrend ko ba igagaya mo kay Aydee next month?" 

"Shet naman, konting utak pre. Dalian mo na kaya. Mahirap na, baka yung bride yung maghintay. Magdalawang isip pa. Hahaha. Good luck pre." 

Tinap ako sa balikat ni Jared at lumabas na. Ganun din si Kevin at Leo Chin. 

"Ge tol, baka maunahan mo pang umiyak si Jill sa altar. Hahaha! Tangna, dalian mo na." -Leo 

"Pakyu, mas atat pa kayo sakin."

Wala na, wala ng tao sa kwarto. Ako na lang. Hooh, kinakabahan ako. 

Ano na kayang itsura ni Jill? Baka gumanda lalo. Tangna, heaven to. 

**crrcccck** 


"Hijo." Si papa at mama pala. 

"Yes po?" 

"Pagkatapos ng reception gawa apo agad ha, excited na kami ng mama mo. Dahan-dahan ha baguhan." 

"Putres papa! Ano na naman yang kabastusan niyo. May oras para dun." 

"Haha Ryan, pero kidding aside. Hijo aalagaan mo si Jill, wag mong hahayaan na mapahamak yun. I'm, no, we're so proud of you son. Maging masaya sana kayo." 

"Yes papa, aalagaan ko siya hanggang sa makakaya ko. Oo papa hinding-hindi ko siya pababayaan dahil ayokong mawala na ulit siya sakin." 

"Suportado kami ng mama mo. Tara na at baka patapos na si Jill." 

"Susunod po ako sa lobby." 

Lumabas na sila at naiwan akong magisa muli. 

Sinuot ko na yung black neck tie ko at bumaba na sa lobby. 

Eto na talaga Ryan Chris Javier magiging isa na kayo ni Stephanie Jill Madrigal. 

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now