[Chapter 47] Forbidden Love?

31.1K 317 18
                                    

[Chapter 47] Forbidden Love? 



[a/n: 3rd Person Point of View, okay?]



Maagang nagising si Jill dahil siya ay papasok. Kagabi ay napag-isip isipan na niyang magkabati na sila ni Chris dahil alam niyang walang patutunguhan ang pag-aaway nila..

Masayang bumababa si Jill mula sa kanyang kwarto. 

"Mamaya kakausapin ko na siya, I trust him, walang gagawin si Chris na ikaaayaw ko. Matigas lang talaga si Gia at gusto pa din sulutin ang hubby ko."  bulong ni Jill sa sarili niya habang nagsusuklay.

Malapad ang ngiti ng dalaga, kaya napansin ito ng mga kuya niya.

"Baby namin, anong nginingiti mo?" tanong ng Kuya Dalrin niya.

"Wala naman kuya, masaya lang ang gising ko." sabi ni Jill sa kuya niya at sabay yumakap.

Nakiyakap din ang dalawa niyang kuya at si Toff na buhat-buhat ng Kuya Neigh niya.

"Aba, aba! Anong nakain niyong lima at ang lalambing niyo? Pasali kami ni dad niyo dyan!" sabay-sabay tumingin yung magkakapatid sa nagsalita nilang mama.

"Oo nga! Bago kami umalis ay payakap din kami! Ngayon na lang tayo nagkakaganito." yumakap din naman ang mga magulang nila.

Matapos ang matagal nilang yakapan ay kumalas na sila. 

"Bye mga kuya, mama at papa! Lalayas na po ako." paalam ni Jill na humalik sa mga pisngi nila. 

"Sige mag-ingat ka.." sabi ng Mama niya.

"Teka! Ano yang pasa mo sa likod ng braso mo?" nakataas kilay na tanong ng Kuya Neigh niya.. 

Hindi siguro ito napansin ni Jill nung naliligo siya kaya agad niyang tinignan yung braso niya.

Nanlaki ang mga mata niya at nahampas ng mahina ang ulo. Hindi niya kasi maalala kung saan niya ito nakuha. 

"Ewan ko. hehe baka nauntog sa isang bagay kagabi." sabi ni Jill..

"Yan kasi, wahaha! tatang*-tang*!" XD sabi ng kuya Siv niya..

"Lul ka kuya, lalayas na nga ako." sabi ni Jill at naglakad palabas ng bahay nila.

"Arrrf! Arrrf!" tinignan niya yung garden kung saan nanggaling yung tahol.

"Phenelophy!" binuhat niya yung aso. Medyo malaki na din yung aso na bigay ni Sebastian..

"Arrrrf! Arrrrf!" tahol nung aso habang lumalambing kay Jill. Binaba na niya ito dahil aalis na siya.

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now