[Chapter 58] She does have... what?

30.6K 354 35
                                    

[Chapter 58] She does have... What? 

*** 

Masyadong maaga nagising si Jill kahit puyat siya kagabi sa party ni Toff, napatingin sa sa orasan 5:50 AM, linggo ngayon at wala pa din siyang pasok. 

Bumaba siya dahil sa hindi makatulog. Naisipan niyang magluto. 

SINIGANG, ang pumasok sa isipan niya. Natututo na siyang mag-luto dahil kung minsan nagiging libangan na niya yun. 

Habang nag-luluto siya may mga luhang pumapatak sa sahig. 

Hindi na niya talaga maintindihan ang sarili niya. Dahil kagabi may nag-chat sa kanya na nakita daw nung babae na magkasama si Gia at Chris na kumain sa labas. 

"Selfish creatures." nabanggit niya habang nag-luluto. 

Pinunasan niya ang luha at tinuloy ang pag-luluto, sabi daw nila nasa emosyon ang kalalabasan ng lasa. 

"Ouch!" napakagat siya sa labi niya ng mapaso siya sa stove at mismo sa apoy. 

KABA, kinabahan na naman siya. Biglan sumakit yung lower ribs niya at bigla siyang pinagpapawisan. 

"Sht, ang sakit." napapahawak siya sa may joints and armpit niya. Kagabi pa niya nararamdaman yung mga sakit na yun pero hindi niya pinapansin. 

Napapapikit na siya dahil sa sobrang hilo. Pinatay niya yung stove at gas kahit hindi pa tapos yung niluluto at umakyat sa kwarto ni Toff. 

Agad siyang napayakap kay Toff at napapaiyak na. 

"Mommy, gwaenchaneyo?" dahil sa gulong nagawa niya nagising tuloy si Toff. 

"Yess mommy is alright. Sleep na ulit baby." 

Parehas silang nakatulog kahit physically napakasakit nung nararamdaman niya. 

***

Jill Madrigal's POV 

"Mommy! Wake up! Wake up!" nandito pa si Toff, pero balang araw mawawala na din siya. Hindi pa alam nina kuya na si Kuya Aiden ang totoong daddy ni Toff.

"Mmmmm" ang sakit pa din nung joints and armpit ko. The fudge, ano ba yun? =.=

"Babyy? Wait okay?" 

"Yes yes." 

Bumangon ako para pumunta sa kwarto nina mama at papa, hihingi ako ng gamot para maalis yung sakit. 

*toktok* 

"Ma," 

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now