[Chapter 38] It's a fresh Palawan trip Part 2.1

31.6K 382 22
                                    

[Chapter 38] It's a fresh Palawan trip Part 2.1

JILL'S POV 

"Let's play again! Truth or Dare!" nung pagkasabi nun ni Unice, napako ako sa inuupuan ako. 

Reminisce. Naalala ko yung mga nangyari nung nag-spin the bottle kami. 

Unti-unti akong napapangiti. Maglalaro ulit kami.. 

"Teka! Hindi ko kayo pagbabawalan sa mga ibibigay niyong dares! Baka sabihin niyong KJ ako. Haha! Game na!" 

"Eh paano to? Wala tayong bote?" tanong ni Peter. 

"Ano, ganito. Tutal walang bote, kay Ate Wendy tayo magsisimula. Tatayo siya at paiikutin ng tatlong beses habang naka-piring ang mata at kung sino ang mahawakan niya yun ang susunod. Malinaw?" sabi ni Unice. 

"Haha! Sige! Game, malinaw." -Stacey.

"Ate Wendy, ikaw mauna. Truth or Dare?" tanong ni Xyper. 

"Truth na lang! Haha! Baka kung anong dare pa ipagawa niyo sa'kin." sabi ni Ate Wendy. 

"Hmm! Ahaha! Matagal na namin tong itinatanong sa inyo pero ayaw niyo sagutin, ilan na ang naging boyfriend niyo?" tanong ni Maria. 

"Ahhh! Ano ba yan? Pwede iba?" sabi ni Ate Wendy. 

"Prof! Hindi pwede! Ilan na?" sabi ni Kevin. 

"Uhhh. Nakakahiya! Baka kung anong sabihin niyo. Ano... 

T-twenty three." woooooah! Sabay takip ng muka. 

"Yun yun oh!!!! Ate Wendy! Daig niyo pa si Cathryn! Mahilig sa lalake pero tatatlo pa lang nagiging syota!" sigaw ni Chris. 

"Hoy ano ba yan!!!" inis na sagot ni Cathryn. Haha.

"Ate Wendy pipiringan na namin kayo." tapos tumayo si Jam at piniringan sa mata si Ate Wendy, inikot nila ng tatlong beses,

teka! Saan nila dadalhin? 

*SPLASH* 

"Waaah!! Ang daya niyo! Akala ko!! Ahhh!" itinulak nila si Ate Wendy sa tubig. 

"Tanan!" sigaw ni Unice! Meron siyang bote ng San Mig Light? 

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now