[Chapter 59] Acceptance

31.4K 358 38
                                    

[Chapter 59] Acceptance

*** 

Ilang araw na din ang nakakalipas at positibo si Jill sa sakit na Leukemia. 

Hindi ito matanggap-tanggap ng mga magulang at kaibigan niya. Natatandaan pa nila noon kung paano naka-survive si Jill sa sakit din niyang Brain Tumor, masyado ata siyang malapitin sa Cancer. 

Nasa hospital bed ngayon si Jill at mag-iisang linggo ng hindi pumapasok. Pati ang mga kaibigan niya ay napahinto muna para bantayan siya. 

"Bakit ba ayaw niyo munang pumasok? >,< kaya ko naman sarili ko. Leukemia lang to no," 

"Aba't ni lang mo pa ang Leukemia!? Paano kung balang araw---" napayuko si Reina sa sasabihin niya at hindi mapalabas ang salitang gustong iparating. 

"Paano kung balang araw na? Mamamatay ako? ACCEPT. Kung talagang nararapat na mamatay, tanggapin na lang natin. =) mahirap umasa sa hindi pa natin ganun kaalam." 

Hindi pa din tapos ang mga examinations na ginagawa sa kanya ni Dra. Carla. Pero etong mga katagang nasabi sa kanila nung isang gabi. 

"Hindi na mag-rerespond ang katawan niya sa chemotheraphy. Kumalat na yung cancer cells, at umeepekto na to sa iba't-ibang organs. But Sad to say Mrs. Madrigal," napayuko ang doktora at napaluha dahil naging malapit ba din sa kanya ang dalaga.  "She has been given a date for death.." 

"h-hanggang kelan?" 

"Approximately 60 days na lang ang kanyang itatagal, tanging himala na lang ang makakagaling sa kanya." 

---- 

"Nakikita niyo ba to?" pinakita ni Jill ang kalendaryong ginawa niya para sa 60 days na yun. 

"Eto sakto April 29, pang 59th day at eksaktong Graduation natin. Ang gusto ko lang gawin sa oras na yun ay umakyat ng stage at bigyan ng diploma at sa 30 ng 12mn, babalik na ako ng ospital at iintayin ko na lang ang nalalabing minuto para sakin." 
 

"Bakit ka ganyan?" -Reina
 

"Oh? Nag-paplano lang naman ako ah." 


"Nakakainis ka, hindi ka ba naniniwala sa salitang himala?" sabi ni Aydee sa kanya,


"Naniniwala naman, mahirap lang talagang mag-tiwala at umasa. Baka mamaya hindi na pala kayanin ng organs ko diba? Kailangan ko ng maghanda."

napaiyak na naman yung mga babaeng kaibigan niya, lagi na lang kasi ganito ang sinasabi niya, "Maging handa na lang tayo"


Wala ang mga magulang ni Jill dahil may trabaho din ang mga ito, pero ang mga kaibigan at kuya naman ni Jill ay laging nakabantay sa kanya dahil ayaw nila sayangin ang mga oras.


"Koyaaa! Koyaa Siv! Pwede ba  akong lumabas muna sa ospital? Ayoko muna kasing mag-stay dito, nakakainip na. Sige kayo pag nawala na ako dito hindi ko na malalanghap ang polusyon. XD Kuya pede akong gumala?" sabi ni Jill na nakangiti sa kuya niya.

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now