[Chapter 57] Happy Birthday Toff

30.1K 352 22
                                    

Wala munang POV ni Chris sa Chapter na to. 

[Chapter 57] Happy Birthday Toff

Jill Madrigal's POV 

 The day nung nakita kong lumaban si Chris. He really changed a lot. Ibang-iba na dun sa nakita at minahal ko. 

Ibang Chris na. 

Pero kailangan ko munang i-set aside tong SAKIT at HIRAP na nararamdaman ko. Kailangan ko munang maging masaya para kay Toff. 

"Baby namin, nasaan na si Toff. Dali at isisimba pa natin siya bago tayo magsimula ang party mamayang 3." sabi ni Kuya Neigh sakin. 

Birthday kasi ni TOFF ngayon. At may malaking party ang magaganap sa Pavillion nina tita na mommy ni Chris. Kaya namin nalaman na birthday niya kasi nakuha na namin ang birth certificate niya sa NSO. 

Sina mama at papa nauna na sa venue, madaming kaibigan at kamag-anak namin ang dadalo. 

Hindi ko inimbitahan yung Kambal at pinsan nila. Ayokong mapagaya ang birthday ni Toff sa Debut ko. Ayoko masira iyon, 

Nilagyan ko na ng cologne si Toff at bumaba na kami. 

"Toff wag kang tumalon-talon. Papawisan ka... MGA KUYA! Tara na." sigaw ko, 

Pinahidan ko ng pawis si Toff sa kanyang noo. Makulit na bata. 
 

Lumabas na ang dalawa kong kuya na nasa kani-kanilang kwarto. Si Kuya Neigh nasa garahe at inaayos na yung sasakyan. 

*** 

Nang makarating sila sa simbahan, ay doon sila pumewesto sa pinakaunahan kung saang sadya silang pinareserve ng parents nila. 

"Mommy where's daddy?" tanong ni Toff kay Jill
 

"Later." ang sagot naman niya, dahil hindi siya sigurado kung pupunta si Chris mamaya. 

Nagsimula na ang misa ng mga 12 o'clock, may pabati pa ang simbahan para sa kaarawan ni Toff. 

Nang nasa kalagitnaan na ng misa ay biglang tumayo si Toff at lumabas sa simabahan,

"Jill saan pupunta un? Teka susundan ko baka mawala." sabi ng Kuya Siv niya. 
 

"Okay Kuya." 

"Ang tagal naman yata nila?" bulong ni Jill sa sarili niya kaya Lumabas siya ng simabahan para tignan sila, kausap ni Kuya Siv niya yung nagtitinda ng mga lobo

"Kuya anong meron?" 

"Nag-thank you lang ako, tara na?" 

Hawak-hawak na ni Jill si Toff habang papasok sa simbahan.

"Kuya bakit ka nag-thank you?" 

"Binigyan niya kasi ng lobo si Toff tapos alam pa niyang birthday niya ngayon." 

Pero kung titignan yung nagtitinda ng lobo ang linis niyang tignan, maayos ang pananamit, gwapo, maputi at mabango. 

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now