[Chapter 56] Jealous or not?

28K 339 20
                                    

[Chapter 56] Jealous or not?

3rd Person's POV  

"C-Chin?" bungad na sabi ni Jill kay Leo. 

Hindi umimik si Leo at inalalayan na lang si Jill patungo sa kanilang pupuntahan, inilipat ni Leo ang kanyang kamay sa bewang ng dalaga at ini-wrap ito. 

Pwedeng masabing sweet, pero iba pa din ang sweetness ni Jill at Chris.

Habang palapit sila ng palapit, lumiliwanag ang paligid.

"Chiiiin, saan ba kasi to?" 

"Hindi mo ba nabasa? Sa Blue Meadows to." 

*toinks* ang sabi ni Jill sa kanyang isip

"Oo alam ko, pero saan ba tayo papunta at sobrang elegante naman dito." 

"Ibuburol na kita." at biglang nag-smirk si Leo kaya nanginig ng pasimple si Jill..

"L-Leo Chin? S-saan ba kasi?" 

"MWAHAHAHAHA, ang dali mo ng utuin ngayon. Mag-hintay ka lang. Malapit na kasi tayo." 

Binatukan ng mahina ni Jill at kinurot sa tagiliran.

"Aray! Dalawa yun ha!" 

"Eh sa nakakainis ka kaya!" 

Naglakad lang sila ng naglakad hanggang sa makarating doon sa flatform.

May lamesang kasya sa pangdalawahan at upuan na napaka-eleganteng tignan. May pianista sa gilid at bulaklak sa ibabaw ng lamesa katabi ng mga utensils.

May puting arko ang flatform at may mga nakasabit na paru-paro. Halatang pekeng paru-paro ito. Pero buhat doon, may mga lumilipad din na totoo. Hindi makapag-salita si Jill sa mga nakikita niya, 

"Iiwan na kita dito." 

Naguguluhan si Jill sa sinabi ni Chin. 

"Ibig mong sabihin hindi ikaw ang kasama ko dito?" 

Umiling lamang si Chin at umalis na. 

"Ma'am this way please." at may waiter na naglahad ng kanyang kamay.

Iniabot naman ito ni Jill at nagsimula na siyang naglakad patungong flatform at pinaupo siya.

Nagulat at muntik ng mapabalikwas si Jill sa kanyang inuupuan dahil biglang tumunog yung piano.

"...." 

"D-Dhon?" 

"Hi. Long time no see, Kachie." sabi ni Dhon kay Jill at nag-bigay ng isang matamis na ngiti.

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now