[Chapter 13] Stars

41K 545 22
                                    

~~Chapter 13- Stars~~

Monday na nga at intramurals na. Aabsent na lang ako, di na pala ako lalaro sa Soccer at Volleyball, di naman ako marunong nun sa Friday na lang ako papasok.



Kahapon nga pala nag-practice ulit kami. Sa room ko. Saulo ko na yung mga steps at nag-kanta na din ako sa room. Practice kahit ako lang mag-isa. Sabi naman ni Jaira di daw niya ako papalitan.  Nga pala sabi ko palitan nila ung isang kanta yung medyo masaya naman yung pinalit ko ay Brighter than the Sun. Pinalit ko sa I never told you. Chempre Colbie Calliat din


Kagabi at nung Saturday napagalitan ako ng parents at ng mga kuya ko pati nung doctor. Alam niyo naman kung bakit dba. I dont effin care.. 


Si kuya Neigh yung kasama ko ngayon, nag-leave siya sa trabaho niya para bantayan ako. May pasok naman yung craving eight pati yung 2 kong kuya. 


Minsan kumikirot yung ulo ko. Ayoko pa talaga mag-paopera kasi, una kinakabahan pa ako at pangalawa may last day pa ng intrams mag-peperform pa ako sigurado di ako mahuhuli nila papa at mama kasi nasa reunion sila nung date na yun at uuwi din sila sa 26 para daw mabantayan ako before my operation.


May donor na pala ako para sa blood transfusion ko.. Si Danille. Di ko aakalain na AB pala siya. Nung nalaman ni Chris na si Danille yung donor feeling ko ano, uhmm iba itsura niya. Happy hormone turned into sad/angry/jealous hormone? Aish! Baka nag-iimagine lang ako.

Si Cassandra daw nakalabas na dito. Ako pa yung nasisi kung bakit daw xa naospital. Yung mga kaibigan and fans niya sa school galit sakin. And so?  Kala ko talaga mabait yan, pakitang tao lang pala.. Alam na ng students sa Redmount yung nangyari samin at sa kasamaang palad ako pa yung naging masama sa paningin nila. Ayos un ah! Isa daw miyembro ng craving eight ang ggwa ng masama sa kapwa schoolmate or batchmate niya.. 


2:12 pm na pala. Kanina pa tawag ng tawag sakin si Chris, na nganga-musta lagi, every hour ata ay natawag. Bibisita daw siya mamaya dito para daw maging updated sa nangyayari sa school. Simula nung nangyari sakin to bumabait sakin si Chris. Si Toff di ko na masyadong nababantayan at nakakasama.. 


Chris' POV


Masyadong boring tong intrams ngayon, wala akong iniinis. Para bang na-miss ko bigla bigla si Jill. Kada isang oras yata tinatawagan ko siya, tinitignan ko kung okay siya.. 


Bago ako mag-practice kasama si Jill, nag-papractice muna kami para sa war in the dancefloor. At mukang mapeperfect na namin. Yung kanta ay The show goes on. Feel ko idedicate kay Jill yun, kasi kahit nasa ospital siya nagpupursigi pa din siya mag-practice. Nagpupumilit. Naggalit na nga ako sa kanya. 


Track events ngayon, mabilis yung natapos. Di naman nasunod yung schedule kaya after nung track events sa umaga sinunod naman ung basketball. 


Sa Track Events 3rd place ang department namin, syempre okay na un atleast may place.  Bumait ata ako! Simula nung naging girlfriend ko tong si Jill, anong pinakain sakin nun. Dati rati kasi nagagalit at naiinis ako pag di kami 1st place. 
Sa Basketball naman 1st kami boys yun sa girls 2nd ata sila.


Nga pala dito na nag-aaral yung si Danille at Marco. 4th year college na si Marco, engineering yung kinukuha. Si Danille, Architecture.

Nung nalaman kong si Danille yung magiging donor iba yung naramdaman ko. Selos, galit at lungkot? Ewan. 

"Chris, ano? Tara na bisita na tayo! 5 na dn naman!" si Jared nag-yaya na bumisita. So ayun si Jared at Aydee sobrang saya nila as couple.

"Oh tara na."

Tama na ang pag-mumuni-muni ko. Lumabas na ako ng gym para pumunta sa parking lot. Kumpleto kami wala si Jill. Malamang siya nga yung pupuntahan. 
Sumakay na ako at pinaharurot yung sasakyan. 

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now