[Chapter 52] But my heart does

28.3K 350 19
                                    

[Chapter 52] But my heart does



Jill Madrigal's POV


Since last day na namin sa Baguio. May last activity daw for today. It's a whole day activity at uuwi na daw kami mamayang 8PM. 

"Jill," 

"Oh?  teka lang, eto na diba maliligo na nga." sagot ko kay Reina. >< ako na lang kasi ang hinihintay. Bakit ba, nanunuod pa ako ng Pororo. Kinahiligan ko ngayon yung Pororo. >< Kasiii naman ang cute nung penguin. 

"Dalian mo, tayo na naman yung pag-iiwanan."

"Teka, to na patapos na. 5 minutes lang naman to." 

"Bahala ka. Pag-bilang namin ng 5 at wala ka pa sa CR, aalis na talaga kami." -Kevin.

"1...2...3...4...4 and a half.." 

"Oh!!! tapos na tapos na!!! Eto na eto na!!!!" sabi ko sabay  takbo sa cr.

"HAHAHAHA." narinig kong nagtawanan sila sa labas. >< i hate youuuuu guys. really! 

Nag-wash muna ako ng muka bago maligo. 

parang...

parang may nawawala sa kamay ko?

Hindi naman kulang? kumpleto pa naman yung mga daliri ko. 

Para talagang may nawawala.

Walang...

Walang, color blue sa kamay ko.

O_O!! yung bracelet na bigay ni Chris?! 

Oo! yung blue lucky bracelet niya. nasaan yun?! whatttttt the heck. pakkkshey. 

mamaya ko hahanapin, ngayon maliligo muna ako.

- - - - - - - - - - - - - - - 

Alangang sabihin ko pa sa inyo kung paano ako maligo. >< 

Pagkalabas ko sa CR, pumunta agad ako sa bag ko, syempre may damit na yun.

"Huyyy, nakita niyo ba yung blue bracelet ko?" tanong ko sa kanila.

"Alin yung bigay ni Chris?" tanong ni Cathryn

"Oo, oo yung nga." 

"Hindi. Baka naman nahulog mo lang kagabi or nung isang araw. Nandyan lang yun, hindi yun mawawala." sabi ni Aydee.

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now