[Chapter 48] Be Positive

26.8K 283 20
                                    

[Chapter 48] Be Positive

 

JILL'S POV



Ilang week na rin, pero wala pa ring news tungkol sa kanya, ni hindi namin ma-contact si Halmoni sa Korea. Pati si Tita Christina. Pati sina Tito at Tita na parents ni Chris wala ding balita, pare-parehas kaming kinakabahan.

"Tita, wala pa po ba?" tanong ko kay Tita.

"Wala pa Hija, ano na kayang nangyari sa anak ko. Diyos ko." sabi ni tita na kanina pang dial ng dial sa kanyang telepono. 

Dalawang araw na rin pala akong absent dahil nga dito. 

Naalala ko, February 14 tatlong araw na lang. Tatlong araw na lang, matatapos na yung 5 Months Contract namin. 

Maging maayos kaya kami? Sana. 

"Hello po? Hello Ma!" bumilis ang tibok ng puso ko. Si Tita kausap na yata si Halmoni. 

"P-po?" biglang umiyak si Tita kaya si Tito hinagod-hagod ang likod ni Tita.

"Opo. sa 14?" 14. 14 daw. anong meron? 

Nakaramdam ako ng mainit. Si Mama ko at si Papa, niyakap ako. Kailangan ko po niyan ngayon.

"Anak, magiging ayos ang lahat okay?" bulong sakin ni Mama

"Opo." sagot ko, kaya napaluha na naman ako. 

"Be strong baby namin." -bulong naman ni papa.

nag-nod na lang ako bilang sagot.

"Anong sabi ni Mamita mo?" tanong ni Tito kay Tita.

"U-Uwi daw sila sa February 14. Pero yung anak natin Pa, totoo daw yung aksidente pero ayos na daw si Chris." yung pag-palpitate ng puso ko nagiging abnormal. Uuwi daw sila pero naaksidente?  :(( Kasalanan ko yun! Hindi ko alam kung bakit siya naaksidente pero ako ang kausap niya nun!

"Tigil na ang pag-luha, ayos na nga daw diba.  Ano pang iniisip mo dyan? Tinanong mo kung sino kasama?" sabi ni Tito.

"Hindi, pero sinabi ni Mamita na basta kasama daw si Chris." 

Negative electrons, labas sa katawan ko. All I want to think ay positive. sa February 14, magiging masaya kami dahil ligtas si Chris.

=) smile lang Jill. Be happy nga daw. 

"Sweetheart, magiging maayos tayong lahat. Si Mamita pa, walang binabalitang hindi masaya yun." kilala si Halmoni sa pagiging masayahing lola. :"> Ibang-iba siya sa Korea at sa Pilipinas. 

"Anak, pumasok ka na muna." sabi sakin ni Mama.

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now