[Chapter 35] VIRUS

35.7K 397 13
                                    

Dedicated sa Fudgiee Sister KO. Oo, KO. Kasi akin lang siya. Hmfff.  HAHA. Try reading her My Hyporcrite Heart maganda promise!!


[Chapter 35] VIRUS



CHRIS' POV



Hindi ko na alam yung nangyayari sa paligid ko, hindi pa ako nagtatanong simula nung nalasing ako. Wala na akong alam sa nangyari. Sobrang saya na. Si Sebastian ayun lagi na namin nakaka-bonding. Wala na akong nararamdamang poot at selos. Parang ang saya na niya para sa'min.  Pero tong kamay ko hindi pa rin masaya, baluktot pa rin ang buhay! May cast pa.

"Jill, simula nung nalasing ako last week ano na nangyari at parang nasa langit na ako." tanong ko bigla. Magkakasama kasi na naman kami. C8 at si Sebastian, nasa bahay namin group study para sa exam. Kagabi pa sila dito. 

"HAHA, kung makapag-tanong naman eto. Wala. Mag-aral ka na nga lang." sagot naman niya sa'kin. 

"Ikaw talaga Jill, tinatamad ka na naman mag-kwento dyan sa contract boyfriend mo. Na currently love mo naman. HAHA." biglang nasabi ni Sebastian. A-ako? Mahal niya? Weh?

"Nako Sebastian, kilalang kilala mo talaga ako. Hmmp. L-love? A-ano ka!" tss. Nag-selos ako dun ah, matagal na nga sila magkakilala. 

"Bro, ako na lang mag-kwento sa'yo, mabilis lang! I-GINIVE UP ko na siya. Ayan kaya masaya na kayo.  Kahit may konti part pa rin sa'kin na masakit. HaHa." sabi ni Sebastian.. May babait pa pala dito eh. Tss.

"Nakng! Ang iingay niyo, buti natapos na yang love triangle niyo. Tara mall tayo umaatake na naman tyan ko. GUTOM NA RAW!" biglang sigaw ni Kevin.. 

*GRRRRRK* 

"Yuck! Kevin gutom ka na  nga! Kailangan umextra yang tyan mo? Sige nga tara na, kanina pa tayo nag-rereview." sabi ni Aydee. 

"Teka magpapalit lang ako ng damit." Extra ko. Haha. Naka sando at shorts lang ako eh. 

"Sige master macho." sabi ni Kevin at hinawak hawakan yung braso ko.

"BADING ka! Lubayan mo ko." sabi ko. 

"Dalian mo na Master Macho." huta, naki-gaya na rin si Jared at Sebastian. 

"HAHAHAHA!" Tawa naman nung mga babae. Muka kaming tanga ditoo. Naghihipuan

"Teka! Master Macho, pa-picture naman kami oh! Tapos ipopost sa facebook page ng C8. HAHA! Please!" sabi ni Cathryn.

"Tssk.." papasok na ako sa banyo pero hinigit nila ako tapos sinet ni Cathryn.

"Sebastian, sama ka na rin, AHAHA! Special C8 ka! Ita-timer ko lang. Wait!" ang higpit ng hawak nila sa'kin ayaw talaga nila ako pakawalan. 

5 Months Contract [Completed]Where stories live. Discover now