Prologue

3.4K 113 10
                                    

Amy's POV

Kasama ko ngayon si Laney sa bahay. Exam namin bukas 

"..pero dapat secret lang natin yun ah."

"Echosera." Hampas nito sakin.

"Totoo nga. Pinsan ko si Kupido."

"Alam mo Amy, mabuti pa mag-aral nalang tayo. Puro ka kalokohan."

"Ayaw mo talaga maniwala? Halika." Hila ko sa kanya paakyat sa kwarto ni Kuya Pido AKA Kupido sabay lock ng pinto.

Hinanap ko sa kabinet ni Kuya Pido ang bow and arrow nya.

"Ano yan?."

"Ano pa ba?. Ito yung ginagamit ni Kuya to make people fall in love with each other."

"Impossible. Sis wag mo naman akong pinaglololoko. Di naman totoo yang mga ganyan. Saka kung yang pinsan mo nga si Kupido asan sya ngayon?."

"Nagbabakasyon."

"HAHAHA Siraulo. Si Kupido nagbabakasyon?."

"Oo. I mean nakakapagod din kaya ang trabaho nya no."

"Oh sige nga, kung totoo yang sinasabi mo patunayan mo."

"Pwede. Pero disclaimer lang ah, di pako ganun kagaling umasinta."

"Sure. Bukas sa school dalhin mo yan. Let's see if you're really telling the truth hmm."

KINABUKASAN

5pm. Nagsiuwian na ang ibang students.

Nasa second floor kami ng school, nakatingin sa mga estudyante sa baba na kausap ng adviser nila.

"Hmm sino ba sa mga yan?."

"Yang si Frances."

"Pinlac?."

"Oo. Basta sure ka safe yan ah." 

"Oo nga. Sige na, ito na. Tingnan nalang natin kung di ka parin maniwala."

So inasinta ko na nga. Mabuti nalang siya yung pinakamalapit. Pero hindi ako sigurado kasi nang pakawalan ko ang arrow ay bigla nalang itong naglaho, dahil dun ay parang medyo naniniwala na si Laney.

"Ang galing. Grabe, pano mo ginawa yun?."

"See? Sabi sayo eh."

"Hmm. Baka may tricks yun ah."

"Walang tricks yun, ano ka ba?. Syempre legit yan. So sino yung ipapares natin sa kanya?."

"Si Tonton." 

Natawa naman ako.

"Sira. Sama talaga ng ugali mo haha."

"Well mas masama ang ugali ng babaeng yan kaya buti nga sa kanya kung nagkataon." Well let's just say that Tonton or Antonio Bartolome is not that attractive compared to Frances.

Maganda sya yun nga lang sablay pagdating sa ugali. She literally thinks she's better than everyone else. Na kapag panget ka wala kang karapatan sa kahit ano.

"Hmm makes sense. Karma coming through." Asinta ko pero sa kasamaang  palad ay tumama ito sa babaeng biglang humarang. Ang classmate naming si Jaydee.

Oh no.

Pero unlike kay Frances ay nakikita parin namin ang arrow, half of it lang ang nakabaon sa likod niya. I guess ako lang ang nakakakita nito. 

May inabot pala syang folder sa Adviser nina Frances. Napakamot nalang kami nang makitang nakatitig lang si Frances kay Jaydee. Geez this is terrible.

Nang lumingon sya sa banda namin ay nagtago kami agad. 

CUPID ON VACATION (FRANDEESAL)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora