Chapter 10

1K 67 6
                                    

Frances' POV

Pauwi na kaming tatlo ni Tita Naomi, sakay ng kotse. Kami lang, mamaya pa kasi uuwi si Daddy. Busy pa yun sa school. Well, kailan nga ba siya di busy? Haaayst. Sanayan narin. 

"..okay lang naman po Tita."

"Okay?. Hmm that doesn't sound like fun. I mean you're never this down after camp sweetheart. San na yung crazy and funny stories?. Impossible namang wala kang baon--" Sabi pa ni Tita Naomi.

"Well, I got a firefly badge this year." Sabi ko, forcing a smile.

Natuwa naman siya dahil sa balitang yun.

"Really?! Wow! I'm so proud of you!. At dahil dyan, bibili tayo ng paborito mong vanilla ice cream and pepperoni pizza. I know sobra mo na yung namiss. Pero before that, sabihin mo muna sakin how and where'd you find it. You know grumaduate nalang ako ng highschool di ko parin talaga alam kung san yang firefly secret spot na yan.." Medyo napangiti naman ako sa pakikipagkwentuhan kay Tita Naomi.

At least makalimutan ko man lang saglit that Jaydee rejected me. 

..

Jaydee's POV

Sa bahay. 

"Naku, la ako na ho dyan. Dun na muna po kayo. Ang dapat po sa inyo nagpapahinga." Naglalaba kasi sya sa labas ng bahay. 

"Sino ka neng?. Ikaw ba yung labanderang ipinadala dito?. Bumalik ka nalang sa makalawa, wala pakong pera ngayon na ipambabayad sayo." Sabi ni Lola.

Pinipigilan ko nalang wag maiyak. Limang taon nang nag-uulyanin si Lola. Si Lolo okay pa naman. Inaalagaan niya si Lola habang wala ako. 

"Flora, apo natin yan si Jennifer. Anak sya ni Ferlyn." Sabi ni Lolo.

"Si Ferlyn?. Anak?. Eh ang bata pa ni Ferlyn, di ko pa nga pinapayagang magnobyo iyon. Kay gandang bata ano, kegaling pang sumayaw. Anong oras ba yun uuwi galing sagala?." Sabi ni Lola.

"Wala na po si Mama La." Ilang taon na simula nung nangyari ang aksidente pero ang sakit parin. 

"Sino ba itong batang to?. Kung ano anong sinasabi. Anong Mama eh bata pa nga ang anak kong si Ferlyn?." Medyo naiirita nang sabi ni Lola. Namiss ko na yung dating siya kaso parang imposible na yung ibalik.

"Mahal, halika na sa loob. Mukhang gutom ka na. Gusto mo ba ng pandesal?." Akay ni Lolo kay Lola.

"Sino ka namang matanda ka?." Sabi pa ni Lola pero sumama naman ito kay Lolo papasok.

Tinuloy ko nalang ang paglalaba na sinimulan ni Lola. Talaga ngang di uso ang pahipahinga sa bahay nato. 

"Nando." Lapit sakin ng kapitbahay naming si Karla.

"Uy, Carlota kaw pala yan. Musta?."

"Ikaw ang kamusta, ilang araw ka nang hinahanap ni Boss sa pabrika. Pag hindi ka daw nagpakita sa kanya bukas tanggal ka na." Pareho kaming nagpapart-time sa isang pagawaan ng sapatos. 

Dagdag income narin. Di kasi sapat yung nakukuha namin buwan buwan para sa pag-aaral ko, pagkain namin at gamot nina Lola at Lolo. 

"Huh? Eh nagpaalam naman ako sa kanya ah."

"Ay basta ikaw na makipag-usap dun. Kayang kaya mo na yun. Saka yung utang mo pala sakin." 

"Utang?. Wala naman ata akong naaalalang--"

"Kwento. May utang ka sakin na kwento. So, musta na kayo nung chix mo?."

"Tsk. Chix ka dyan. Sasabunutan talaga kita pag narinig ka ng kung sino dyan, sinasabi ko sayo."

CUPID ON VACATION (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now