Chapter 26

867 66 5
                                    

Laney's POV

I saw how Jaydee looked at Madie that night at hindi ko dapat palampasin yun. Dun palang sa puntong yun nakikita ko that Frances' heart could potentially break at di ko dapat hayaang mangyari yun. She deserves Jaydee more than Madie does. Kailangan kong gumawa ng paraan. 

KINABUKASAN

Saturday. Pumunta ako kina Amy. Tulog pa sya nang dumating ako at umalis si Kuya Pido papuntang work. Hinanap ko agad ang rule book at ito na nga, nakita ko na.

Paano bunutin ang pana?. 

Rule # 15 Hindi literal na bubunutin ang panang tumama sa chosen one. May dalawang paraan upang bunutin ito, una ay painumin ng pampawalang bisa na makukuha mula sa isang babaylan. Pangalawa ay bunutin ito sa pamamagitan naman ng magic words ang kagi ronangga basa habang natutulog ang chosen one. 

Rule # 16 Siguraduhing totoong babaylan ang hihingan ng gamot o pampawalang bisa.

Rule # 17 Siguraduhing mahimbing na natutulog ang bubunutan ng pana o sumpa.

Pinicturan ko ang page na yun just in case makalimutan ko ang important details. Nang mapansin kong gumalaw si Amy ay agad kong niligpit ang book. Alam kong medyo mahihirapan ako sa paghahanap ng babaylan kaya napagpasyahan ko na sundin yung second way, ang magic words. 

So ang kailangan ko lang gawin ay sabihin yun habang mahimbing na natutulog si Madie. Hmm pano ko nga ba gagawin yun?.

..

Jaydee's POV

Papunta nako sa trabaho nang may humintong courier guy sa harap ng bahay. 

"Good morning po Ma'am, kayo po ba si Miss Jennifer Nandy Villaruel?."

"O-opo. Ako nga po."

"Eto na po ang parcel nyo from Ma'am Madie--"

"H-huh?. Madie?." So this is what she meant na tatanggapin ko. Anlaking box naman nito.

"Opo. Pakipirmahan nalang po ma'am." Sabi pa ni Kuya Courier. Mukhang nagmamadali sya kaya pinirmahan ko nalang. After nun ay umalis na siya at pinasok ko naman ang gift, inakyat ko ito sa room namin ni Frances. Tulog parin siya. Pumasok narin ako sa trabaho. 

FLASHBACK

"Hmm bakit kaya biglang nangyari yun no?."

"Yun nga rin ipinagtataka ko. Pero yung pakiramdam ko talaga nun sobrang naninikip ng dibdib ko saka yung puso ko parang sinasaksak ng kung anong matulis na bagay."

"Di kaya nakulam ka?. Alam mo may kilalang albularyo at magtatawas si Mommy, baka matulungan ka nya. Hayaan mo pupunta tayo dun sa sabado." 

Pumunta nga kami ni Karla sa magtatawas na sinasabi nya at ang sabi nito,

"May isang makapang yarihang nilalang ang may hawak ngayon sa puso mo. Pero wag kang mag-alala." sabi ni Mang Pepe. 

"Ho? Ano pong ibig nyong sabihin?." Tanong ko.

"Hindi masama ang taong ito."

"Akala ko po ba makapangyarihang nilalang?. Tapos ngayon sinasabi nyo tao." Sabi ko, medyo duda kasi talaga ako sa magtatawas nato, but Frances made me believe that magic is possible.

"Dahil isa syang ordinaryong tao gaya natin. Ngunit siya ay nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng isang makapangyarihang instrumento o kagamitan upang manipulahin ang puso ng tao. At nagawa nga nyang paibigin ka sa isang partikular na tao kahit ikaw ay mayroon nang iniibig sa kasalukuyan." Hmm. 

CUPID ON VACATION (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now