Chapter 12

960 65 16
                                    

Frances' POV

MONDAY.

Maaga akong pumasok sa school as usual. Nakasalubong ko sina Ate Madie at Jaydee sa hallway na parang medyo seryoso ang pinag-uusapan. Napatingin saglit si Jaydee sakin pero lumihis din ito agad ng tingin.

Ano bang ineexpect mo Frances? Of course she would ignore you. She rejected you remember?. Can't you just understand that she's doing that so she won't give you the wrong idea, so you won't think that she's taking advantage of you dahil di sya ganung tao but the way she looks at me nung sa camp, it really felt like something else.

Aaaaaargh wag mo nang lokohin pa ang sarili mo, napakalinaw ng sinabi nya hindi ka nya gusto tsk. Tuloy lang ako sa paglalakad.

"Good morning Queen.." Masayang bati ni Gino tsk this guy again. He plays in the football team and I don't like him, masyado syang mahangin. Para sa kanila nagiging vulnerable si Gino pagdating sakin. But nope, still don't like him.

Hindi naman siguro kami nakikita ni Jaydee no?. Well, kung nakita man nya kami wala din naman syang paki.

"..alam mo, di ko akalain na mamimiss pala kita these past few days. So, do you have any plans after class?. You know, us out--"

"I have a table tennis training." Walang expression kong sagot rito.

"How about after that?."

"You know what Gino, itigil mo na to. Okay?. Wala kang mapapala sakin. Besides, I have standards. And you're certainly never gonna reach it, so shoo." yeah balik ulit tayo sa btch mode. Hinayaan nya nalang ako.

"Welcome back Queen." Masayang bati ni Kyle. People preferred calling him Nerdy turtle kasi maliban sa isa syang nerd napakabagal nya pang pumick-up ng joke. Plus this guy is a little creepy sometimes. Basta for me his vibe feels like a pervert dirty old man.

"For you." Sabay bigay nito sakin nito ng isang bouquet of red roses.

"T-thanks. Sige ah, baka malate ako sa class ko." Dahilan ko at nagmadali nang maglakad papuntang classroom. At nang medyo nakalayolayo nako kay Kyle,

"Oh, sayo na." Bigay ko sa isang random female schoolmate. Big deal te? Kilig na kilig talaga?.

Pagdating ko sa classroom andito na ibang classmates namin. Si Coleen busy sa pagvovlog. She's doing a makeup tutorial ng school look nya. Si Klaire naman ang model nya dun.

"Morning." Bati ko sa dalawa.

"Morning." Masayang bati naman ng mga to sakin.

..

Jaydee's POV

".. Jaydee, I'm sorry but I don't think I could still do this."

"Pero pano tayo?." Hawak ko sa kamay nya.

"Walang tayo Jaydee. I'm sorry." Sabi lang nito at nauna nang maglakad. What happened?. Okay pa naman kami nung mga nakaraang araw tapos biglang ito?. Ganun ganun lang yun?. Parang wala lang nangyari.

Recess.

Masaya silang nag-uusap about guys habang tahimik naman akong kumakain. Tsk pano nya to nagagawa sakin?.

May isang guy na lumapit sa table namin. A well groomed guy, for sure bakla to. Ba't parang ngayon ko lang nakita tong lalaking to dito?.

"Hi Madie. Para sayo." Sabi nung guy sabay abot nito ng box of chocolates. Masaya naman itong tinanggap ni Madie.

"You know what, why don't you eat here with us?." Suggest ni ate Dana.

"Really?. Okay lang ba?." Tila nahihiya pang tanong nung guy, sus drama.

"Okay na okay." Sabay na sagot pa nung tatlo.

After class.

Pumunta nako sa sakayan papuntang pabrika. Nakasalubong ko naman dun si Karla.

"Oh ang haba ng mukha natin ngayon ah? Anyare?." Nag-aalala nitong sabi sakin. Niyakap ko lang siya ng sobrang higpit at umiyak nalang.

..

Frances' POV

Nagtetraining kami ngayon ng table tennis. Pawis na pawis nako.

"Okay guys, water break." Sabi ng coach namin. Umupo muna ako sa gilid. Umupo naman sa tabi ko ang kaibigan kong si Marthon na kasama ko ring player. He's more like a Kuya to me.

"Water." Bigay nya sakin ng isang bottled water.

"Thanks." Sabi ko sabay inom.

"3 years ka nang naglalaro nakakalimutan mo paring magdala ng tubig." Sabi nito sakin.

"Andyan ka naman eh haha my good old sponsor."

"Tsk sponsor ka dyan. Uy bayaran mo yan haha."

"Sige, pag ako nagkatrabaho ibibili kita ng dam."

"Sira haha. Pero seryoso, wala ka pang kinukwento sakin about camp. Usually excited ka to tell stories, may problema ba?. Hmm I'm sure di mo naman sasagutin yan, how about another question uhm did you met someone who made your camp days terrible?."

"Nope."

"Baka naman you met a girl and fell for her."

SILENCE.

"Haaayst sinasabi ko na nga ba?. Sino?. Chix ba?."

"Ang lakas ng boses mo, pag yang mga yan narinig ka sinasabi ko sayo di ka na masisikatan ng araw." Banta ko sa kanya.

"Sorry sorry. Pero sino nga?. Kilala ko ba?." Akbay nito sakin. Sasabihin ko na sana pero,

"Break time's over." Sabi ni Coach Gelo kaya ayun balik na kami sa training.

..

Jaydee's POV

Sa pabrika.

"..since tinigil na ni Madie ibig sabihin pwede na kayo nung anak ni Mr. Principal?. Ano nga ulit pangalan nun? Princess?." Sabi ni Karla.

"Frances. Tsk Karla, alam mong di ako ganun diba?. Saka pinipigilan ko nga tong nararamdaman ko para sa babaeng yun dahil ang gusto ko kay Madie lang to." Hawak ko sa kaliwang dibdib ko.

"Kaya nga, wala na si Madie kaya pwede ka nang magmahal ng iba."

"Hindi ganun kadali yun."

"Come on Jaydee, e try mo lang. Malay mo kayo pala talaga ni Marites."

"It's Frances."

"Ikaw nagsabi nyan ah." She smirked.

CUPID ON VACATION (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now