Chapter 19

997 69 7
                                    

Amy's POV

Kasama ko ngayon si Laney dito sa school CR. Walang ibang tao, abala kasi ang lahat sa pagkain. Nagreretouch nalang kami ng mga make up namin nang biglang pumasok si Madie, pulang pula ang mga mata hanggang sa tuluyan na nga syang maiyak. At alam na namin exactly kung anong dahilan. Pumasok sya sa isang stall pero di nya sinara ang pinto kaya lumapit kami rito.

"Hey, are you okay?." Nag-aalalang tanong ni Laney.

"Halata ngang hindi diba?." Sabi ko.

"Nagtatanong lang naman."Sabi ni Laney.

"Tsk. Here, take this." Abot ko kay Madie ng dala kong tissue.

"T-thank you." Sabi nito sabay punas ng luha nya.

"You know you can tell us anything--and promise, we won't judge." I said politely. Syempre nakakakonsensya din kaya, first of all kasalanan ko kung bakit sya nasasaktan ng ganito. Hindi dapat ako nagmayabang at pinaglaruan yung pana ni Kuya Pido, hindi sana aabot ang lahat sa ganito. Dapat ako ang nagsasuffer hindi si Madie, Jaydee or si Frances.

"Don't worry, I'm fine. I'll be fine." Madie said as she forced a smile. Pero I know that deep inside nasasaktan sya.

"Are you sure?." Tanong ni Laney.

"Alam mo after class di naman ako busy, baka gusto o kailangan mo ng makakausap--" Offer ko.

"Amy, thank you pero okay lang talaga ako." Kriiiing. Recess is over. Nauna nang lumabas si Madie samin. Sa puntong yun palala ng palala ang atake ng konsensya sakin. Sobrang bigat sa loob. Ayun, bumalik na kami sa classroom.

Sana naman may iba pang paraan. Di deserve ni Madie na masaktan. Pero ang hirap kasi, sobrang hirap.

..

Frances' POV

After class namin sa hapon pinatawag kami ng partner ko sa pageant na si Prince ni Miss Angel para konting tagubilin.

"..so, bukas magsisimula ang rehearsals nyo. Exempted kayo every 2-4pm. Ang school na ang magpoprovide ng handlers nyo. Basta wag nyo lang kakalimutan dalhin yung mga kakailanganin nyong dalhin lalong lalo ka na Frances, yung 6 or 8 inches heels dapat dala mo yun. Ikaw naman Prince, bring a couple of books. We'll work on your posture. Okay that's all, you may go now." Kaya ayun sabay na kaming lumabas. Didiretso nako ngayon sa table tennis training ko.

"Tara kain tayo, libre ko."

"Thank you but I have training." Sabi ko habang nakatingin lang sa malayo.

"Ganun ba?. Uhm how about after that?. I can wait."

"Susunduin ako ng stepmom ko by that time."

"Okay."

"Look Prince, just because I voted for you to be our class representative doesn't mean I like you or something. I'm saying this early because I don't want to mess things up between us and give you the wrong idea."

"D-don't worry I get it. W-we're cool, we're uhm uh friends."

"Good to know that we're on the same boat."

"Y-yeah. Absolutely. Uhm si Ate Jen pala kasali rin no?. Ano palang deal nyo?. Totoo ba talagang nakatira na sya sa inyo?. Is she secretly your dad's illegitimate child?."

"Well, yeah she stays with us but nope, she's not my sister. May konting issues lang sa family nya and Dad decided to adopt her for the meantime, but not legally ah."

"Pero sobrang cool nya sigurong maging kapatid no?."

"She's better at being a girlfriend."

"What?."

"W-wala. Sabi ko late nako, sige ah. See you tomorrow." Sabi ko at tumakbo na palayo.

..

Jaydee's POV

Andito nako sa pabrika kasama si Karla. Nagsimula na kaming magtrabaho.

"Oo nga pala, sinong partner mo sa pageant?." Tanong ni Karla.

"Si Terrence."

"Terrence? Yung ex mo?!."

"Tsk wag mo nang ipaalala. Saka hinaan mo nga yang boses mo."

"Bakit? Eh wala namang nakakakilala dito dyan sa gagong Terrence Patricio na yan. Pero t-teka lang, alam na ba to ni Marites?." Talagang nasanay na sya sa kakatawag kay Frances ng Marites. Haaaayst Carlota talaga kahit kailan.

"Hindi pa nya alam. Saka kailangan pa ba talagang malaman nya?. Besides, past na yun. At ang past di na dapat binabalikan."

Naalala ko dati gigil na gigil din si Madie kay Terrence.

FLASHBACK

"..naku, pag nakita ko talaga yung Terrence na yun babalatan ko sya ng buhay. Alam mo, simula palang talaga masama na kutob ko sa lalaking yun eh. Pero nakinig ka ba sakin? Hindi. Kasi pinairal mo na naman yang marupok mong puso." sermon ni Madie sakin.

EOFB

Nagulat ako kasi bakit ako napapangiti?. Bakit ko inaalala si Madie?. Eh wala na nga. Napailing nalang ako. Di pwede. Wala na kasi dapat eh.

..

Madie's POV

Sa kwarto ko.

"Ilang araw ka nang ganyan, ano ba talagang problema?." Tanong ni Kuya Peter.

"Walaaaa."

"Kuya, pitapatawag ka ni Dad sa baba." Sabi ni Kuya Adrian kaya lumabas na si Kuya Peter. Sinara naman ni Kuya Adi ang pinto.

"Talaga bang wala na syang balak balikan ka?."

"Hindi ko alam Kuya, gulong gulo nako."

"Baka naman she's just confused. Kasi pweeng ikaw parin yung mahal nya pero naiisip nya lang na yung Frances yun kasi sila yung laging magkasama. What if we find a way to separate them--"

"Kuya, I want Jaydee to be happy. Ang masakit lang is di na ako ang dahilan kung bakit sya masaya. Si Frances na ngayon yung nakakagawa nun at wala tayong karapatan na ipagkait sa kanila yun. Kaya please--just let them be together."

"But look at you, you're miserable."

"I know. At kasalanan ko din naman yun, pinakawalan ko si Jaydee. I'm miserable not because they're happy but because I have been given a chance to have what they have pero sinayang ko lang yun kaya wala akong karapatang manumbat. Magsisi oo."

..

Jaydee's POV

"Ano nga ulit resulta dun sa check-up mo?." Tanong ni Karla.

"Wala nga eh. Wala silang nakitang kahit ano. Sabi dun I'm completely healthy."

"Pero hindi na nangyari ulit?."

"Sa awa ng Diyos hindi naman."

"Hmm bakit kaya biglang nangyari yun no?."

"Yun nga rin ipinagtataka ko. Pero yung pakiramdam ko talaga nun sobrang naninikip ng dibdib ko saka yung puso ko parang sinasaksak ng kung anong matulis na bagay."

"Di kaya nakulam ka?. Alam mo may kilalang albularyo at magtatawas si Mommy, baka matulungan ka nya. Hayaan mo pupunta tayo dun sa sabado."

CUPID ON VACATION (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now