Chapter 5

1.1K 66 15
                                    

Frances' POV

KINABUKASAN

3am.

Nakapag-igib na kaming tatlo ni Klaire at Coleen so kami na ang susunod na maliligo.

Ang nakasabay naming maligo ngayon ay sina Laney at Amy.

Pagbalik namin sa unit ay nakita ko si Jaydee na kasama pala sa mga naatasang magluto.

Kasama nya run si Ate Madie at mukhang nag-eenjoy naman sila sa ginagawa nila.

I don't know but Jaydee's smile is different every time she's with Ate Madie probably because they're really close friends at napapasaya nila ang isa't isa.

Kanina pa pala sila naligo. Pumasok nalang ako sa tent like Coleen and Klaire to prepare para sa activities namin mamaya.

Saka ngayon din kami magpapractice ng ipepresent namin para sa bonfire bukas.

Medyo mas nakakapagod ang activities ko for today.

7am tug-of-war.

9am ibablindfold kami tapos hahanapin namin ang partner namin sa isang area with people who are also trying to find their partners.

Sa umaga palang yan.

Sa tug-of-war kasama ko sina Klaire at Coleen kasama rin namin dun ang girls from different schools. And nope Jaydee's not here. Pero panalo naman kami.

8:26am.

Hinihintay nalang namin ang facilitators ng next activity. Nakaupo lang kami rito sa ilalim ng malaking puno.

..

Coleen's POV

"Diba no boys allowed? Ba't may boyscout dito?." Takang tanong ko.

"You must be referring Gabb. Babae sya, maikli lang talaga buhok nya." Sabi ng bago naming nakilalang friend na taga ibang school na si Yssa.

"Is she tibo?." Tanong ko pa.

"No haha. I don't think so. We're classmates. Classmate din namin boyfriend nya, si Josh. 2 years na sila." Paliwanag ni Yssa.

"But her hair is short so she must be--"

"A cancer patient." Sabat ni Ate Gia. Kasama rin ni Yssa.

I suddenly felt bad for judging her.

..

Frances' POV

Nakita ko si Jaydee at Ate Madie na papalapit samin na may kanya kanyang dalang box, ganun rin ang schoolmates nina Ate Gia.

"Snacks." Sabi lang ni Jaydee with a smile. Dala nya ang sandwiches, juice naman kay Ate Madie.

Kumuha na kami.

"Thanks." Sabi lang namin. After nun umalis na rin sila.

..

Jaydee's POV

"Sino nga palang partner mo si blindfold activity?." Tanong ni Madie.

"Si Frances."

"Again?."

"Gusto ko sana ikaw eh. Pero sya yung pinili ng troop leader, successful kasi yung activity namin last time saka record breaking yung Firefly badge kaya ngayon pinepair-up nila kami to get the Camp-pair badge na isang limited edition. Only made for this year's theme."

"Okay, if you say so."

"Oh? What's with the face?."

"What face?."

CUPID ON VACATION (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now