Chapter 5

7 4 0
                                    

Nakaupo kami ngayon sa table at kumakain kasama ang babaeng kasama ni kuya Evans. Infairness may taste talaga si kuya kase yung huling babaeng inuwi nya dito may itsura din. Sabagay di ko itatangging gwapo at maganda ang mga kapatid ko.

"Mabuti naman at naisipan mong ipakilala samin yang girlfriend mo evans" pagbasag ni mama sa katahimikan.

Sumulyap ito at ningitian ang girlfriend ni kuya nahihiya naman itong ngumiti.

"8 months na kami ma kaya napagdesisyunan ko ng ipakilala sa inyo" sagot ni kuya

"At bakit ngayon mo lang pinakilala" tanong ni mama

"Eh kasi baka iwan din ako e failed nanaman" kumamot pa sya ng ulo.

Binatukan naman sya ng girlfriend nya

"E diba kuya ikaw naman yun nang-iiwan?" sabat ko

Nagtawanan sila maliban kay kuya evans na sinamaan ako ng tingin.

"Hoy manahimik ka dyan ah di kita kausap" sabi nya

"Ha"

"Sabi ko manah-"

"Hakdog"

Nagtawanan ulit sila.

"Kuya di mo pa kami pinapakilala andamot mo si mama lang pinakilala mo" nagtatampong sabat ni kare

"Ay oo nga pala..." lumingon ito sa jowa nya "babe-"

"Sana ol may babe" putol ko ulit sa sinasabi nya.

"Isa pa kyie isusumpa ko lovelife mo" pambabanta ni kuya

"Nasumpa na" sagot ko pero di na nya pinansin yun.

"Ate ang bitter mo di ka kinrushback no narinig kita umiiyak nung isang gabi e" natatawang sabi ni karen.

Nagulat akong tumingin sa kanya si kuya evans naman ay tumawa ng malakas

"Naiintindihan ko na kung bakit ang bitter mo" sabi nya

Nabusted ka nung rayver ba yun? Kawawa ka naman hahahaha" pang aasar pa nya.

Binalingan ko sya ng matalim na tingin

Inakbayan nya ang girlfriend nya "Buti pa tong crush ko sinagot ako" humarap ito sakin at ngumuso ng nang-aasar "Better luck next time"

Humarap ito sa jowa nya "Babe eto si kyie pangalawa kong kapatid walang jowa kaya alam mo na BITTER" tumawa pa sya.

Sinamaan ko sya ng tingin

"Ano ba kuya" asik ko

Natawa na lang sya "Eto si kare bunso samin baby girl ko yan kaya bawal pang magjowa yan on process pa lang yan ng pag grow nya kaya bantay pa sakin yan"

Mas close si kuya at karen at kami naman ni kuya ay palaging nag-aasaran

"Kyie, Kare si Hannah girlfriend ko ganda noh" pagpapakilala nya

Ngumiti ako sa kanya "Alam mo ate napakaswerte ng kuya ko sayo kase ang ganda mo tapos sya mukha lang kuko ko" 

Tumawa pako ng malakas.

Natawa naman ang jowa ni kuya.

"Hoy kyie sumosobra kana ah hintayin mong mag uwi ka ng boyfriend dito" ngumisi sya ngunit nawala din agad "naalala ko di ka nga pala kinrushback" tumawa pa sya

Tinarayan ko na lang sya actually gwapo naman si kuya abnormal nga lang. Mapayat, matangkad at maputi attractive sana sya kaso kapag nalaman mo yung kaabnormalan nya ewan ko na lang, pang 4 na siguro si ate hannah na pinakilala nya samin.

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now