Chapter 31

5 3 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw kahit na alam kong busy si vince at rayver ay nakakagawa pa din sila ng paraan para lang makasama ako. Minsan naman kapag ako ang busy ay hinahayaan na nila ako.

Hindi na din kami nagpaparty ng mga kaibigan ko dahil kahit sila ay busy sa kani-kanilang course na kinukuha

Minsan ng mag-uwian ay nag-abang sakin si rayver sa labas ng school. Sobrang pagod ako dahil kulang din ako sa tulog nun kaya wala ako sa mood makipag-usap o pumunta kung saan-saan

"Kumain ka ba?" tumango lang ako dahil sa pagod ay gusto ko na talagang matulog "Diretso na tayo sa bahay nyo pahinga kana lang" tumango muli ako

Sumakay kami ng bus at nang makaupo ay pinikit ko agad ang mga mata, hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa paggising ko ay nakapatong na ang ulo ko sa balikat ni rayver

"Pababa na tayo isang sakay na lang malapit na sainyo"

Nang makababa kami ay muli kaming sumakay at nang makarating kami sa lugar namin ay muli ay naramdaman ko ang pagod

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya

"Sorry rayver ah sobrang nakakastress kasi eh" dapat sana ay kakain kami sa labas o pupunta kung saan man nya ako dadalhin at dahil nga sa pagod ay pinili nya na lang na magpahinga ako

"Okay lang may next time pa naman. Pahinga ka ah may pasok kapa bukas"

Tumango ako "Oo"

"Sige na. Bye" ngumiti lang ako ng tipid at tumalikod na

Nang makarating ng bahay ay dumiretso agad ako sa kama at kahit hindi pa ako nakakapagbihis ay sumalampak na ako

Sa mga sumunod pang araw ay medyo maluwag ang schedule ko kaya natutulungan ko din si darren sa paghahanap ng mga magulang nya

"Sana talaga this time mag match na andami ko ng nakilalang parents pero hindi talaga sila"

"Tiwala lang mahahanap mo din sila"

"Thank you ky ah alam kong busy ka pero natutulungan mo pa din ako dito"

"Okay lang yun ano kaba"

"Kain muna tayo bago kita ihatid sainyo. Treat ko"

"Sure"

Habang nagdadrive ay panay ang kwentuhan namin tungkol sa paghahanap ng mga magulang nya hanggang sa mapunta sa school

"Mahirap talaga pero pag fourth year hinanda ko na yung sarili ko kase alam kong mas mahihirapan talaga ako" sabi nya

"Basta gusto mo yung ginagawa mo kahit mahirap ipagpatuloy mo pa din eh"

"Yeah totoo naman" nang makarating kami sa isang restaurant ay nagulat ako nang nakaupo sa isang table si vince at dun din ang table namin ni darren

"Oh bat andito ka?" bungad ko

"I forgot to tell you na sasabay pala sya satin kasi nasabi ko sa kanya na pupunta tayo dito e"

Tumango ako at umupo na

"Kamusta halatang stress kana ah" natatawang sabi ko kay vince

"Kaya pa" ngumisi ito "Ikaw nga mukhang stress dyan"

"Hoy di mo sure mas mukha kang stress sakin"

"Here we go again" sabi ni darren "Bakit ba ako pumayag na sumabay din satin si vince kung alam ko namang nakakarindi kayong dalawa kapag magkasama"

"Vibes kasi yun pre wala ka kasing ka vibes kaya nagkakaganyan ka" sagot ni vince

"Vibes your ass" natawa kami ni vince

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now