Chapter 23

4 3 0
                                    

Nabulunan ako sa sinabi ni kare kaya agad akong napainom ng tubig

"Ano?? Pinopormahan ka?" tumango sya "kailan lang"

"This week lang"

"Hayop na yun nung last month nagkita kami sa bar may kasamang babae tas ngayon ikaw naman tinatarget"

"Weh? Talaga?"

"Oo wag kang magpapabola dun madaming babae yun"

"Babaero yun?"

"Oo kaya nga nireject ko yun"

Pero charot lang! Kaya lang naman pinapaiwas ko itong si mika ay dahil alam kong hindi seryoso si darren sa kanya

Kilala ko si darren, dapat nung una pa lang ay nagsabi na sya sakin pero, wala.

Nanlaki ang mata nya "Nagkagusto sya sayo?"

"Oo" napatango-tango sya "Sinasabi ko sayo kare wag kang magpapabola dun babaero yun" agad syang tumago

Hayop ka darren kapatid ko naman ang target mo

Lumabas kami ng fastfood chain nang matapos

"Ate gusto ko ng ice cream sa DQ"

"Sige. Sagot mo?"

"Luh diba libre mo 'ko ngayon"

Napakamot ako sa ulo ko "awit naman ikaw naman manlibre sakin kahit ngayon lang"

"Wala akong dalang pera kasi sabi mo libre mo eh"

Wala akong nagawa kaya pumunta kaming DQ at bumili ng ice cream

Habang kumakain ng ice cream ay nasa cellphone lang ang tingin ko habang naglalakad palabas ng mall dahil baka may reply na si kyle. Nang bigla akong kalabitin ni kare

"Ano ba" inis na sambit ko

"Diba si kyle yun" sabay turo nya at tama nga sya si kyle nga iyon lalapitan ko na sana ngunit agad akong napahinto nang makita kung sino ang kasama nito

Ang mga kaklase nya at dalawa lang ang nakakaalam sa mga ito ang tungkol sa relasyon namin

Napatingin sya sa gawi ko at nagulat nang makita ako agad itong nagtipa sa cellphone nya kaya tinignan ko agad ang cellphone ko at nang tumunog iyon ay nagmessage nga sya

@KyleLastimosa: anong ginagawa mo dito?

@kylie.arci: gumala lang saglit kasama si karen pero pauwi na din kami. Ikaw? Tapos na pala class nyo?

@KyleLastimosa: yup may bibilhin lang kami sa national bookstore. Punta ka parking lot hahatid ko kayo

@kylie.arci: wag na baka may gagawin ka kasama ko naman si kare

@KyleLastimosa: pumunta na kayo dun saglit lang kami sa national bookstore

Hindi na 'ko nakapagreply dahil nakita kong umaalis na sila kaya agad kong niyaya si kare sa parking lot

"Bakit tayo andito"

"Antayin natin si kyle"

Nagulat sya "weh? Bakit?"

"Hahatid nya tayo pauwi"

Naghintay lang kami ng saglit nang makita namin sya ay agad nitong pinatunog ang kotse nya nakasunod pala sa kanya ang iba nyang kasama kaya agad nyang ininguso sakin ang kotse nya kaya mabilis kaming pumasok ni karen dun

Mula sa bintana ay tanaw ko ang pagpapaalam nya sa mga kaibigan nya

"Taray naman pala ng jowa mo ate"

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now