Chapter 18

5 3 0
                                    

Kinuwento ko kila sean ang pagdance class ko at sinabi ko din sa kanila na si kyle ang nag suggest sakin dun.

Nanlaki ang mga mata nila

"Ikaw te ah humaharot ka lang kunwari kapa sasali sa dance class" sabi ni lauren

"Iba pala ang diskarte ng isang Kylie Maureen" natatawang sambit ni jayden

"Baliw matagal ko ng gusto mag dance class eh nakikita ko sa myday nya kaya nagtanong nako"

"Asus galawan mo pero sige te push mo yan" sabi ni sean

Friday night at hindi ako makatulog bukas na kasi iyon tuwing maiisip ko ay bumilis ang tibok ng puso ko.

Pano ba naman makikita ko nanaman si kyle.

Nagpaalam na 'ko kay mama at pumayag naman sya kaya tuwang-tuwa din ako.

Muka akong tanga na nakatulala at bigla na lang ngingiti kapag naiisip na makikita ko si kyle bukas.

Grabe di ko talaga to expected.

Hindi ko na namalayan kung anong oras na 'ko nakatulog kagabi, nagising na lang ako ng 8am. Ang sabi kasi ay 11 am daw kaya naman dumiretso nako sa kusina para magalmusal.

Naabutan ko si kuya at mama na nagaalmusa din kaya umupo ako

"Aga mo ah san punta?" tanong ni kuya

"Dance class" nakangising sagot ko

"Bakit sasali kana ba sa dancer ni kuya will"

Natawa ako

"Ewan ko sayo" nagpatuloy ako sa pagkain.

Nang matapos ay agad akong pumunta sa kwarto at naghanap ng damit. Napili ko ang cargo pants at ang nabili ko nung gumala kami nila nics na jacket na croptop.

Natigilan pako nang maalala na si vince pa ang nagbayad nito napatingin naman ako sa dalawang damit nya na hindi ko na naibalik.

Bahagya akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

Huminga ako ng malalim at sinarado na ang cabinet kinuha ko na ang tuwalya at pumunta na ng cr ngunit bago ako makapasok ay...

"Hep hep ako muna nauna ako" sabi ni kuya evans

"Anong nauna ako kaya papasok na nga ako"

Tinuro nya ang loob ng cr at andun na ang tuwalya at damit nya

"May pasok ako kapatid paunahin mo muna si kuya"

Wala akong nagawa nang pumasok sya kaya naghintay na lang ako.

Bwisit antagal pa naman maligo nun mamaya anong oras nako makaalis lalo pa at matagal din akong maligo.

Ugh kairita sino may cr dyan? Ay charot

Ilang minuto nang matapos ay agad akong pumasok at naligo na nagbihis ako at nag-ayos.

Itinali ko ng ponytail ang buhok ko at nagdala lang ako ng maliit na backpack pagtapos ay umalis na ng bahay.

Ang usapan namin ni kyle ay magkikita kami sa mall na malapit dito samin at sabay na daw kaming pupunta sa dance studio.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko

Aaccckk makakasama ko nanaman sya!!!!

Swerte ko naman usually kasi sa mga nakakasama nya famous din pero ako na hindi makakasama nya nakakaloka malaking tulong talaga yung pagkawala ng id nya eh hehe

Pumunta nako sa mall na sinasabi nya pagkarating ay natagpuan ko agad sya doon, pumunta kami sa parking lot dahil andun daw yung kotse nila

Nagulat ako syempre kasi makakasakay ako sa kotse nila

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now