Epilogue

13 4 0
                                    

Thank you for standing with kylie until the end :)

This is the last chapter. Happy reading everyone!!!




Kasalukuyan akong nagrereview dahil may quiz na magaganap pero etong mga kaklase ko ay ang iingay kaya hindi ako makapagconcentrate

Tss.

Lalo na yung mga kababaihan, grabe makatili dahil sa kinakikikigan nilang kpop group na pinapanood sa kanilang cellphone

Malapit pa naman sila sa gawi namin kaya halos sumakit ang tenga ko sa lakas ng mga boses nila kaya naman napatingin-tingin ako sa classroom kung saan pwedeng pumwesto ng malayo sa kanila

Sa pagtingin-tingin ko ay napabaling ang atensyon ko sa grupo ng kababaihan na naglalakad sa labas ng room namin

Pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay yung isang babae na direktang nakatingin sakin, madalas ay napapansin ko yan  sa tuwing dadaan dito ay nakatingin sakin

Anong problema nun sakin?

Isang beses pa na pumunta ito sa classroom namin at kausapin ang isang teacher ay panay ang sulyap nya sakin

Hindi ko sya maintindihan pero sabi ng kaklase ko ay may gusto daw yan sakin dahil napapansin din daw nito na sa tuwing dadaan daw yan dito ay palagi talagang ako yung tinitignan, hindi ko pinansin iyon dahil baka mali lang sya

Kaya naman nang mag grade 10 ako ay nagulat ako nang malamang kaklase ko ito. Binoto pa ito ng mga kaklase ko bilang sekretarya namin kaya sa tuwing may kailangan ang teacher ay kung hindi ako ang ipapatawag ay sya naman pero madalas talaga ay kaming dalawa

Hindi ko maintindihan ito kung bakit tila mailap sakin dahil sa tuwing makalapit kami ay hindi sya makatingin ng diretso sakin pero kapag nag-uumpisa na ang klase at malayo ang pagitan namin ay napapansin ko na panay naman ang lingon nito sa gawi ko

Hindi ko alam kung ako ba ang tinitignan nito o si jake na nasa likod ko

Pero madalas talaga ay nararamdaman ko ang titig nito

Baka nga may gusto ito sakin.

Isang beses habang nag-aayos ay isang estudyante mula sa kabilang section ang tumawag sakin

"Bakit?"

"Pumunta daw kayo sa center ni maam dela rama after class dalawa daw kayo ng secretary nyo"

Tumango lang ako at tumalikod na dito, pinagmasdan ko ang kabuuan ng classroom at hinahanap si kylie

Recess at hindi ko sya mahanap kaya malamang ay nasa baba iyon.

Dumating sila ni stella at sakto din ang dating ng teacher namin kaya hindi na ako nagkaroon ng tyansang sabihin sa kanya

Mamaya na lang siguro after ng class namin sa last subject tutal ay after class pa naman kami pinapatawag

Nang matapos ang huling subject namin ay tinawag ko sya

"B-bakit?"

May gusto nga talaga ito sakin dahil sa lahat ng lalaking kaklase namin dito sa room ay hindi naman sya nauutal kapag kausap nya ang mga iyon pero pagdating sakin....

Tss.

"Pinapatawag tayo ni maam dela rama sa center. Magsabay na lang tayo papunta dun"

Kita ko ang gulat sa mga mata nito at bahagya pa itong namula

Maputi sya kaya mahahalata mo ito kaagad

"B-bakit daw?"

Nagkibit-balikat ako "Hindi ko alam e"

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now