Chapter 12

6 4 0
                                    

Gabi na at hindi pa din ako makatulog nakahiga ako sa kama habang umiiyak madaming pumapasok sa isip ko

Totoo ba na nililigawan na ni vince si ellise?

Bakit sya lumalayo sakin?

Dahil ba kay ellise?

Hindi ko alam, Hindi ko maintindihan.

Ang kaalaman lang na nagliligawan silang dalawa ang nagpapasakit ng puso ko.

Bakit ganun? Palagi na lang.

Palaging na lang failed kapag nagkakagusto ako sa isang tao.

Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako worth it? O karma ko ito dahil andami kong pinaasang lalaki?

Ang balak ko ay lumayo ng pansamantala sa kanya upang mawala ang nararamdaman ko dahil ayoko na masira ang pagkakaibigan namin.

Ngunit ngayon bakit parang unti-unting nasisira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa sitwasyong ito?

Gusto ko sya maging masaya pero bakit parang kailangan may masirang pagkakaibigan? Ang katotohanang pinapalayo ako ni ellise kay vince ay parang sinasabi nya na putulin na naming ang pagkakaibigan namin

Bakit gustong-gusto ni ellise na lumayo ako kay vince? Dahil may gusto ako? Baka pagselosan nya ako?

Pero kung yun yung makakapagpatahimik sa kanila, gagawin ko na lang.

Kinabukasan ay gusto ko na lang matulog pero kahit tamad na tamad ay bumagon pa rin ako.

Second day ng game ngayon at bukas laban na ng mga kaklase ko.

Dumiretso ako sa kusina at kumain pagtapos ay naligo at nag-ayos na ako.

Nang makarating sa school ay nag-uumpisa na ang game,niserve ako ng pwesto ng mga kaibigan ko kaya mabilis akong naka upo.

Hangga't maari ayoko munang malaman nila kahapon ay humarap ako sa kanila na parang walang nangyari tinanong nila ako pero hindi ko sinabi sa kanila ang totoo

Next week ay alam kong magiging stress na sila ngayon ay nag eenjoy at nagpapachill lang muna sila kaya hangga't maaari ayokong sirain iyon.

Ayokong makadagdag sa iisipin nila,sakin na lang muna

Habang nanonood ay napatingin ako sa kabilang bleachers dahil hinahanap ko ang mga babaeng kaklase ko ngunit ang titig ni vince na nakita ko. Magkaharap ang bleachers na pinagpu-pwestuhan namin malayo ang pagitan sa isa't-isa ngunit ang titig nito ay nasa aking mga mata.

Nag-iwas agad ako ng tingin at itinuon sa laro ang atensyon.

Nalibang kami sa paglalaro lalo na kapag naghihiyawan kami lalo na kapag nakakashoot ang team na gusto namin nasa third year ang panig namin dahil nga daw madaming gwapo at magagaling maglaro sa mga fourth year na kalaban nito ngayon.

"Go number 16" sigaw ni aya "Go baby" nagtawanan kami "Go baby. Shoot" nang pumasok ang bola sa ring ay napatayo si aya at tumili-tili "Good job baby" maingay din dito dahil sa tili ng ibang tao ngunit hindi namin inaasahan nang mapatingin sa gawi namin ang lalaking chineer ni aya, bigla itong ngumiti.

Matangkad at maputi ang lalaki, kahit pawis ay halata parang ambango pa din

"Ano kaya name nyun?" tanong ni aya

"Te child abuse yorn mas bata yun sayo" ani stella

"Bakit si kylie kaibigan nya pa yun ah"

"Tangina mo wag mo 'ko damay dyan"

"Dapat kasi whole name nilagay sa jersey para madaling nahahanap sa fb"

"Edi search mo na lang last name nila sa fb" sagot ni megan

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now