Chapter 17

5 3 0
                                    

"huy te bat ka namumula dyan?" sabi ni sean

"W-wala"

Kumain na lang kami kung sila ay binalewala ang mga nagkukumpupang tao, ako naman ay panay ang lingon dito.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay nakita namin na nakakakain naman na sya dahil wala ng nagpapapicture pero panay pa din ang tingin sa kanya ng iba.

Sa mga sumunod na klase ay nag-umpisa na ding magturo ang mga teacher, medyo nahirapan ako lalo na sa accounting kaya sumakit ang ulo ko.

Hanggang sa mag-uwian ay nagsabay ulit kami at andyan nanaman ang mga impit na kilig nila nang makita si darren. Nagpaalam na ako sa kanila hanggang sa makapasok ako ng kotse nila darren.

"How was your day?"

"Lakas maka jowa ng tanong mo ah"

"Gusto mo ba?"

"Crush mo pa din ako ngayon no" pang-aasar ko

"Baka ikaw ang may gusto na sakin ngayon" nakangising sabi nya

"Di mo sure" natatawang sabi ko

"Kain muna tayo sa fastfood?"

"Sure" sagot ko

Sa byahe ay tahimik kami hanggang sa nakarating kami sa malapit na Jollibee, umorder sya at nang maserve na ang pagkain ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay naalala ko ang nangyari kanina kaya gusto kong ikwento sa kanya

"Ay kilala mo si Kyle Lastimosa?"

"Nope but I heard his name. Why?"

"Dancer yun tas influencer sa social media crush ko kasi tas takte nag-aaral din sya sa Sacred" kinikilig na kwento ko

"Weh?"

"Oo tas kanina daming nagpapapicture sa kanya"

"Syempre famous"

"Exactly tsaka gwapo"

Natahimik kami at maya-maya ay nagsalita sya

"Mahirap ba mag senior highschool?"

"Depende kung makikinig ka maiintindihan mo naman pero may subject talaga na nahihirapan ako"

"Like?"

"Accounting tsaka math"

"So you hate solving?"

"Sinabi ko bang hate ko? Sabi ko nahihirapan lang ako"

"Magaling kaya ako sa math" ngumisi ito

"Tinanong ko?"

"Bat ba namimilosopo ka?"

"Umiiral nanaman yang kayabangan mo"

"Hey hindi kaya sinasabi ko lang naman"

"Nye nye"

"You look like kid tigil mo yan"

"Ikaw naman kamusta buhay grade 10"

"Basic"

"Sige basic ka dyan goodluck sa third tsaka fourth quarter wag kang hihingi ng tulong sakin"

"Okay madami naman akong chicks na seniors sa westview"

"Lakas mo talaga" tumawa ako

"Well"  nakangising sambit nito

"Yabang mo"

Nang matapos kami ay umuwi na kami. Sa bahay ay nagpahinga na lang ako at hindi na nagdinner pa dahil busog ako.

Nag open na lang ako ng ig. This past few days ay madalas akong nag oopen ng ig para makita ang stories ni Kyle hindi nako nag fb at messenger na lang para kamustahin ang mga friends ko.

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now