Chapter 29

4 3 0
                                    

Matagal akong nanatili sa taas ng rooftop ng school at nang magdilim na ay tinignan ko ang oras.

Tapos na ang klase namin kaya nagdesisyon na din ang umalis

Dalawang subject yung hindi ko napasukan pero kakausapin ko na lang ang prof ko at sasabihin na sumama ang pakiramdam ko

Bago tuluyang umalis ay tumayo ako at tinignan ang kabuuan ng tanawin, bukas na ang iba't-ibang mga ilaw na nagmumula sa ibat-ibang gusali, ang mga butuin ay kumikinang na din sa langit at ang buwan ay tila nanonood sakin, napangiti ako dahil sa ganda ng tanawin na iyon

Bumuga ang malamig na hanging at nanuot iyon sa aking balat ngunit nakayanan ko pa ding labanan ang lamig

Salamat sa ganda ng tanawin na ito at kahit papaano ay gumaan ang loob ko

Huminga ako ng malalim at humakbang na paalis ng rooftop na ito

Sa pagsakay ng elevator ay maraming estudyante ang nakasabay ko mabuti at wala naman akong kakilala sa mga ito dahil wala akong sa mood makipag-usap ngayon

Nang makababa ay naglakad muli ako para tuluyang lumabas ng school, madami akong nakakasabay na estudyanteng naglalakad din dahil nga uwian na

Hindi na ako magtataka kung makasabay ko sila sean ngayon pero sana ay wag dahil ayoko munang kumausap ng tao ngayon

Naglalakad lang ako patungo sa sakayan ng bus upang makasakay na ngunit agad akong napahinto nang makitang nagkaupo si rayver sa sakayan ng bus, kita ang gulat sa mga mata nito nang makita ako

Tumayo ito at hahakbang na sana nang may dumaan na bus, sinamantala ko ang pagkakataong iyon para makaiwas sa kanya ngunit sa pag-iwas ko ay si vince naman ang natagpuan ko na papalapit na sakin

Ano ba naman ito? Kailan ba ako titigilan ng dalawang 'to

Napahinto ako at napatingin naman ako sa gawi ni rayver na unti-unti na ding papalapit sakin

Hindi ko alam kung makakaiwas pa ba ako sa dalawang ito dahil kung iiwas ako kay rayver ay mapapalapit naman ako kay vince, kung kay vince naman ako iiwas ay kay rayver naman ako papalapit

Huli na pero hindi pa din ako makapagdesisyon dahil ngayon ay pareho na silang nasa harap ko

Kanina lang ay nag-iisip ako na layuan silang dalawa pero eto ngayon at nasa harap ko

Pano ko ito lalayuan kung hindi ko alam kung kaya ko bang takbuhan

Dahil sigurado ako na sa pagtakbo ko ay hahabulin pa din nila ako

"Kylie"

"Morin"

Napalipat-lipat ang tingin ko sa kanila pareho, nagkatinginan naman ang mga ito

"Bakit ka andito?"

"Bakit ka andito"

Sabay na sambit nilang dalawa

"Sinusundo si kylie"

"Sinusundo si kylie"

Muli ay nagsabay ulit ang mga ito

Kung sa ibang sitwasyon lang ay pagtatawanan ko sila pero sa sitwasyong ito ay iniisip ko pa din kung paanong makalayo sa dalawang 'to ng hindi nagkakainitan

"Ginagaya mo ba ako"

"Ginagaya mo ba ako"

Huminga si vince ng malalim

"Palagi akong nandito para sunduin si morin minsan gumagala pa kami bago ko sya ihatid sa kanila kaya umuwi kana lang kase ako yung kasabay nya"

"Ilang beses na din ako pumupunta dito para lang isabay sya sa pag-uwi"

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now