Chapter 9

7 4 0
                                    

"Bakit?" bungad ko sa kanya

"Sabay tayo recess wala akong kasama e"

Hindi pwede dahil lalayuan ko nga sya kaya kailangan kong umisip ng dahilan.

Sorry vince pero kailangan

"Ha ano e may ano uhm may gagawin kasi ako y-yung ano yung quiz kase ano mamaya na kaya ano mag rereview ako"

Natawa sya

"nakailang ano ka?"

Naguluhan ako "huh"

"Wala sige libre ko pa naman sayang din yun" panunuya nya

"Nextime na lang siguro" pineke ko ang tawa ko.

Tumango na lang sya "Dapat pala sinabi mo na pupunta ka dito para maibalik ko yung tshirt mo"

"Next time na lang, sige na baka nakakaistorbo nako" tumalikod agad sya ng hindi ako magsalita.

I felt so guilty but this is the only way to avoid him

Kailangan mawala yung feelings ko para sa kanya.

Nakaramdam ako ng panghihinayang sa puso ko

Sayang! Makakasama ko na sana sya

Bumalik ako sa room ng nakasimangot

"anong sinabe ky?"

"Sabay daw kami recess pero tinanggihan ko"

"Anong dinahilan mo?"

"Sabi ko magrereview ako kase mamaya may quiz tayo"

"Hala e pano tayo kakain nyan?"

"Maya-maya onti siguro tapos na din kumain yun hintay lang tayo mga ilang minuto saka tayo pupunta ng canteen"

"Mautak ka talagang gaga ka ganyan ka din sa mga ghinoghosting mo na diba"

"Pwede bang itikom mo na lang yang bibig mo" inirapan ko sya.

Lalabas na sana kami para puntahan sila aya sa room nila ng bigla namang silang pumasok sa room namin.

"Antatagal nyo gutom nako" bungad ni kirsten

"Maya-maya na tayo" sabi ko

"Bakit nanaman?" inis na tanong nya

"Andun pa ata si vince kase niyaya nya akong magrecess tinanggihan ko"

"Hala weh ky?" gulat na tanong ni megan.

Tumango naman ako.

Naghintay lang kami ng halos 10 minutes dahil si kirsten ay gutom na din kaya napagdesisyunan na naming bumaba bago tuluyang makapasok ng canteen ay huminto muna ako at napahinto din kami.

"Tignan nyo nga kung andyan pa" sumilip naman si stella tsaka megan at bumalik samin

"Wala na" sabi ni stella

"Sure kayo ah" tumango naman sila kaya pumasok na kami.

Bumili agad kami ng mabibili namin at kumain na madami-dami pa din ang estudyante sa canteen habang kumakain ay biglang nagsalita si aya

"Mamaya ky mahalata ka nun na nilalayuan mo"

"Di yan sabihin ko lang busy ganun"

"Hanggang kailan mo naman lalayuan yun?" tanong ni megan

"Di ko alam" sagot ko at natahimik kami.

Nang matapos ay tumayo na kami at lalabas pa lang sana kami ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now