Chapter 24

5 3 0
                                    

Katulad ng nakagawian ay susunduin ako ni kyle at ihahatid sa school ngunit hindi na ako bumababa ng parking lot dahil mahahalata kami pero palagi pa din kaming sabay na kumain sa rooftop

"So kailan daw ang vlog?" tanong ko habang ngumunguya

"This coming saturday kaya hindi muna ako magtuturo sa dance class. Wag ka na lang muna magdance class nun"

"Bakit naman?"

"May guesting ako sa isang tv show isasama kita"

Nanlaki ang mata ko "Really?"

Ngumiti sya "Yup"

Excited ako dahil mapapanood ko din syang sumayaw ng live dahil palaging sa tv ko lang sya pinapanood kapag nagguguesting. Kaya naman nang sumapit ang sabado ay maaga akong nagising at naghanda ng susuotin

Hinanda ko ang susuotin kong high waist straight jeans at crop tank top at white shoes

Lumabas ako ng kwarto at nag-almusal na matapos ay naligo na 'ko at naghanda, paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko sila mama at ang mga kapatid ko na busy sa kani-kanilang cellphone

"Magdadance class kana?" tanong ni mama

"Grabe 'to oh panay gala" sabi ni kuya

"Pag-inggit, pikit"

"Luh wehhhh ma wag mo nga payagan"

"Magdadance class yan" sabi ni karen

"Hindi" sagot ko

"Tignan mo maggagala nanaman yan" sabi ni kuya

"San ka nanaman pupunta?" tanong ni mama

"Wag mo payagan ma ah" panggagatong ni kuya

"Guesting ni kyle ngayon eh kaya pupunta ako"

"Sige mag-ingat" sabi ni mama

"Ma wag mo payagan"

"Manahimik ka nga" sabi ni mama dito

Bumaling naman sakin ki kuya

"Luh fan na fan ah" sabi ni kuya

"Wala kang pake"

"Sabagay hanggang dyan ka lang naman" nakangising sambit nito

"Di mo sure kuya" sagot ni kare

Napakunot ang noo ni kuya "Huh?"

Bago ko pa marinig ang sagot ni karen ay umalis na 'ko. Hindi naman mangbubuking yan. Mag-isa akong pumunta ng studio kung saan gaganapin ang guesting nya dahil may sundo sya at kasama nya doon ang mga umaalalay sa kanya lalo na ang manager nya. Minessage naman nya sakin kung saang dressing room ako papasok kaya agad akong nagtungo dun at kumatok. Pagbukas ng pinto ay bumungad sakin ang isang napakagwapong kyle

Napangiti ako at pumasok

"Gwapo naman ng bebe na yan"

Lumapit ito sakin at niyakap ako hinalikan ako nito sa pisngi ngunit halos itulak ko sya nang makita kung sino ang nasa loob ng dressing room nya

Andun yung manager nya at may dalawang tao pa na sa tingin ko ay umaalalay sa kanya. Pare-pareho itong nakatingin samin ng gulat

Bahagya akong nakaramdam ng hiya!

Lumapit muli sakin si kyle

"Hey it's okay hindi mo kailangan mahiya" bulong nito

"Pero kasi-" mahina lang ako pagkakasabi ko

"Kinakahiya mo ba ako?" nakangusong tanong nito

Shit! Napatingin ako sa likod nya at hindi na ito nakatingin samin kaya muli ay bumaling ako sa kanya

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now