Chapter 7

7 4 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at nging maayos na ang paa ko dahil nagpahinga ako buong weekends.

Friday na ngayon at bukas na ang gala namin masyado akong excited dahil isang taon na din ang nakalipas simula nung magkita-kita kami

Sa nagdaang araw ay naging normal naman ang klase namin, tuwing uwian ay nagpapractice kami ng hiphop dance hindi naman kami nahirapan dahil dalawa naman kami ni Annie ang nagtuturo.

Kasalukuyan kaming nagpapractice ngayon, before october end ang performance namin at nasa kalagitnaan na ng october ngayon.

Malapit nanaman ang periodical test bago mag christmas break pero syempre may christmas party pang magaganap nyan

Kasama namin ang iba naming kaklase ngayon sa iba't-ibang grupo nagpapractice din kasi sila. Nitong week ay hindi na kami nagsasabay ni vince umuwi or nagkakasama man lang dahil busy sa practice.

Nang matapos magpractice around 4pm ay napagdesisyunan na naming umuwi mabuti na lang at tapos na din sila stella kaya may kasabay ako, yung iba naman ay nag-aantay sa kabilang grupo kaya nagstay muna sila.

"Naboboring ako sa kagrupo ko ky nakakainis wala yung crush ko" reklamo ni stella

"Kawawa ka naman ang gwapo nga sumayaw ni Jake eh tas tinitignan ko sya ang gwapo pala talaga nya" pang-aasar ko

"Ay naku ky walang ganyanan ah porket sinaktan ka ni rayver dun ka naman sa tropa nya at sa bebe ko pa talaga" umiling-iling sya kasabay ng hintuturo nya "Wag ganun"

Natawa ako "Charot lang eto naman"

"Dapat lang naku kukurutin ko talaga yang singit mo pag inagawan moko ng bebe"

"Para kang tanga dyan di ko aagawin yang bebe mo"

"Good."

Nagpatuloy kami sa paglalakad magkasabay kaming sumakay ng jeep at pagbaba ay naghiwalay din kami dahil magkaiba ang sasakyan namin.

Nang makauwi ay nagchat agad ako sa group chat namin

kymaureen: yeheyyyy weekend na tommorow!!! excited nako manggipit. See you all

vinceow_: ako di ako excited kase gagastos nanaman ako sayo :((((

kymaureen: Hoy sobra ka vince ah minsan lang ako magpalibre sayo tsaka ikaw na din nagsabi na lilibre moko

crisel.AH: sana oll nililibre vince

Robin.G: beke nemen pre

vinceow_: ulol ang yayaman nyo tas magpapalibre pa kayo

Imnicsss: ehem favoritism

m_Montreal: wazup guys! San tayo Tom?

kymaureen: SM north uli tas timezone tayo heheeh uubusin ko pera ni vince

vinceow_: naalog ba yang utak mo sa bola kaya naisipan mong gipitin ako

kymaureen: buang ka hahahhahaa

m_Montreal: hope all may nanglilibre hahahha Djk. Just kidding

vinceow_: ang laki din ng ginastos ko sa mga dates natin dati ah.

Nagulat ako

Luh awit!

Nagchat ulit si vince

vinceow_: joke. Just kidding

Bahagya akong nakaramdam ng ilang para sa kanilang dalawa.

Shit bat ako maiilang?

m_Montreal: move on na.

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now