Chapter 25

7 4 0
                                    

Tahimik kami sa loob ng sasakyan walang nagsasalita kahit isa. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Kyle gabi na kaya nag-aalangan ako kung saan man nya ako dalhin

Nang makita ang pamilyar na daan ay dun ko lang nalaman kung saan nya ako dadalhin, sa bahay nila

Nang huminto sa harap ng bahay nila ay lumabas ito ng kotse nya nanatili akong nakaupo at nakatingin sa mga kamay ko

Nang buksan nya ang pintuan ay napatingin ako sa kanya

"Baba"

Agad akong bumaba nanghihina pa ako dahil masakit ang ulo ko at gusto ko ng mahiga at magpahinga

Kinuha nya ang pulsuhan ko at hinila papunta sa kwarto nya.

Hindi ko alam kung bakit kailangan nya pa akong dalhin dito

Umupo ako sa kama nya at ang tingin ay nasa sahig lang

May inabot sya sakin at tinanggap ko iyon

"Magbihis ka"

"Uuwi di  ako"

Hinila ako nito "Ako magbibihis sayo kung ayaw"

Agad kong inagaw ang kamay ko sa kanya

"Ako na!"

Tangina talaga sinasagad talaga ako nito eh

Pumasok ako sa walk in closet nya at pumasok sa cr dun at nagbihis na

Nang makalabas ay may tray ng nakalagay sa kama nya at may mga pagkain iyon

"Kumain kana"

"Sabihin mo na lang yung gusto mong sabihin para makauwi nako"

"Pagbibihisin ba kita ng ganyan kung papauwiin din kita"

What the hell? Ano 'to?! Dito ako matutulog

"Uuwi ako hahanapin ako ni mama"

"You. Stay. Here" hindi ako nagsalita  "Kinausap ko na si tita"

Hinagod ko ang buhok ko "Bakit ba ganyan ka? Nasasakal nako kyle!" napuno na 'ko hindi ko din pinag-isipan ang sinabi ko kaya bahagyang nagulat din ako

Nagulat sya at napaawang ang bibig

Hindi ito nakapagsalita at nakatingin lang sakin ng gulat

"Okay, iuuwi kita" maya-maya'y sabi nya

Gulo ng utak nakakainis!

Tumayo ito at kinuha ang susi nya

"Let's go" hindi ako gumalaw "Let's go. Nakakasakal na 'ko diba ngayon hahayaan kita sa lahat, hahayaan kitang maglasing sa bar, hahayaan kita kay darren. Go! gawin mo lahat ng gusto mo, hindi na kita pagbabawalan kasi nakakasakal pala ako"

Natahimik ako. Bakit feel ko nasa akin ang sisi

"I'll stay" sambit ko

"Fine. Now eat. Mag-uusap pa tayo"

Sa sitwasyon naming ito ay matatawa sana ako kung hindi lang mabigat ang nararamdaman ko pero ni ngumiti nga ay hindi ko magawa

Napilit nya akong kumain at matapos nun ay bumaba sya ligpitin ang pinagkainan namin kaya mabilis akong naghilamos at nagtoothbrush at humiga na ng kama nya

Dito din ba sya matutulog?

Naramdaman kong umupo ito sa kama at dumungaw ito sakin naabutan nyang nakadilat ang mata ko kaya agad kong pinikit iyon

"Let's talk. Ayokong matulog ng ganto tayo"

"Gusto kong magpahinga"

"Yan ba talaga yung gusto mo? Ayaw mong ayusin?"

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now