Chapter 26

5 3 0
                                    

2 years after...

Kasalukuyan akong nasa klase at nakikinig sa prof namin

Nakakaantok pero keri lang para sa pangarap

Napahikab ako

"Huy te antok na antok ka dyan" hinampas ako ni justin kaya halos mapatalon ako sa gulat

"Nagulat ako animal ka"

Natawa sya "Wag ka matulog mahuhuli ka nyan" tinuro pa nito ang prof namin na kasalukuyang nagtuturo sa harap

Hinagod ko ang buhok ko na hanggang balikat na lang ang haba, pinagupitan ko na ito last month hindi dahil broken ako ah. Syempre para bago naman kasawa na din mag long hair

Tsaka sabi nila karamihan sa mga long hair ngayon madalas sinasaktan, kaya umiwas nako. Ayun nagpa short hair ako

Charot!

Nasa 3rd year college nako at masasabi kong enjoy. Bakit?

Well puro travel kami dahil syempre pag tourism ka more on travel talaga.

Yun nga lang masyadong magastos pero dahil nakapagtapos na si kuya evans ay tumutulong na din sya sa pagpapa-aral sakin kaya keri naman

Nung nakaraan lang ay nagmessage sakin si stella dahil magkakaroon daw kami ng reunion ng mga 4th year highschool classmates ko

Bigla akong nakaramdam ng excitement dahil syempre after 5 years ay makikita ko ulit sila, dami ko pa namang close dun at yung mga lalaki dun at tropa ko na halos

Sino kaya sa mga kaklase ko noon ang may anak na ngayon?

Charot!

Sabado iyon gaganapin kaya friday pa lang ay hinanda ko na ang susuotin ko dahil masyado akong excited

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga kahit gabi pa naman gaganapin.

Excited ako bakit ba?

Tanghali at wala akong magawa kaya nanuod na lang ako ng tv, natigilan ako nang makitang sumasayaw si kyle at heather

Napangiti ako

Maaring hindi pa ako nakakamove on sa loob ng dalawang taon pero nananatili akong nakasuporta para sa kanya.

Masakit para sakin hanggang ngayon dahil mahal ko pa sya pero ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay maging masaya para sa kanya

2 years ago nagulat ako dahil yung sayaw na ginawa ko ay naging viral at nagustuhan ng mga tao

Kay kyle ko lang tinuro iyon at kaming dalawa lang ang sumayaw at isa iyon sa memories naming dalawa pero sinayaw nila iyon ni heather at ginaya din ng mga tao

Magkahalong sakit at saya ang nararamdaman ko nun.

Sakit dahil saming dalawa lang dapat yun pero sinayaw nya pa din kasama si heather pero masaya naman dahil nagustuhan iyon ng mga tao

Walang kaide-ideya ang mga ito na ako ang gumawa nun pero hindi ko naman na sinabi  sa kanila

Ang tanging gusto ko lang ay maka move on na kay kyle

Nang maggabi ay naghanda na 'ko.

Sinuot ko ang isang black offshoulder botton longsleeve dress. Hanggang tuhod ko iyon at sinuot ko din ang black sandals ko na may maliit din na takong

Nagkita kami ni stella para sabay na kami magpunta sa lugar na sinasabi ng kaklase namin.

"Tih gumaganda ba talaga kapag sinasaktan?" bungad ni stella

Who Will Be My End Game?Where stories live. Discover now