Chapter Thirty five

4.5K 94 19
                                    

Chapter Thirty-five

OH, PLEASE!

Umirap si Alexa nang bumukas ang elevator. Nasa second floor pa lamang siya. Ika-dalawampung palapag ang kanyang unit. Kagagaling lamang niya sa trabaho. Pagod siya at gustong-gusto na niyang magpahinga. Gusto na niyang makita at makasama si Hopee.

"Baby Doll."

Mabilis niyang pinindot ang close button ngunit kaagad na humarang ang isang braso. Hindi natuloy ang pagsara ng pinto. Bakit kasi may proximity sensor ang elevator? Sana ay naipit na lamang ang kasumpa-sumpang braso! Muling umandar ang elevator matapos nitong pumasok.

Humalukipkip si Alexa. Tinitigan niya si Lucas gamit ang malalamig na mga mata. Empty, cold and isolating—katulad ng paraan ang pagtingin nito sa kanya noon.

Tinitigan din siya ni Lucas. His eyes were the total opposite of hers. Samu't-saring kulay ng emosiyon ang nakapinta sa mga mata nito. Lungkot, panghihinayang at pangungulila.

Kilalang-kilala niya ang mga emosiyong iyon. Naramdaman na niya iyon noon. Nangako siya sa sarili na hinding-hindi na niya iyon mararamdamang muli.

"Alexa... please speak. Please, talk to me." Humakbang si Lucas palapit sa kanya.

Hindi siya kumibo. Hindi siya sumagot. Pinanatili niya ang malamig na ekspresiyon.

Nanginginig ang mga daliri nang tinangka ni Lucas na abutin ang kanyang pisngi.

Hindi pa rin siya umiwas. Kailangan nitong maramdaman na hindi na siya apektado. Na bato na ang kanyang puso. Anumang gawin ni Lucas ay balewala lang sa kanya. Pinatapang pa niyang lalo ang sarili. Pinatigas pa niya ang kanyang dibdib. Hinding-hindi na siya maigugupo nang anumang salita mula sa lalaki. Matapos ang pag-uusap nila sa park tatlong araw na ang nakalipas ay tinuruan niya ang sarili na maging mas matatag. She built a colder and higher defense around her heart. Nothing could ever break it.

"Come back to me, please. Come back to me," nanginginig din ang boses nito. Hindi na nito natuloy ang paghaplos sa kanyang pisngi. Nanatiling naka-hang sa ere ang kanan nitong kamay.

Hindi niya nabilang kung ilang segundo ang matuling dumaan. Nanatili lamang sila sa ganoong posisiyon. Tinitigan lamang niya ang kamay ni Lucas. She suddenly felt disappointed that he didn't touch her.

Kung puwede lang irapan ang sariling isipan ay ginawa na niya. She's not supposed to feel anything!

Muling bumukas ang elevator. She was saved from her stupid thoughts. Nilagpasan niya si Lucas na parang hangin lamang ito at hindi niya nakita. He was no longer existing in her life, anyway. He's just a ghost from the past. And the past must be left behind.

"Alexa!" Hinabol siya ni Lucas. Halos sumigaw ito.

Mabilis na pinihit ni Alexa ang seradura ng kanyang condo unit nang marating niya iyon. Binalewala niya ang bawat pagtawag ni Lucas. She slammed the door in his face.

Nagbingi-bingihan siya sa mga katok at kalampag sa pinto. Pupuntahan na lamang niya ang kanyang anak. Nakasalubong niya ang bagong tagapag-alaga ni Hopee habang naglalakad siya patungo sa nursery room. Mukhang narinig nito ang mga katok.

"Si Luke ba iyon? Nagpunta siya rito kanina," ani Yaya Norma.

Nangunot ang noo ni Alexa. "Hindi ba talaga siya titigil?" Ilang araw na itong pabalik-balik sa kanyang opisina, maging sa condo ay nag-aabang ito.

"Hindi ko siya pinapasok dahil iyon ang gusto mo. Pero, Alex, ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa?" Hindi itinago ng singkwenta anyos na ginang ang concern sa tinig nito. "Mahigit apat na taon na pala mula nang umalis ako. Napakaraming nangyari."

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon