Chapter Eight

4.5K 99 2
                                    

Chapter Eight

"IT'S GOING TO snow. Do you think they will still play tonight?"

"Today is Sunday. They will be here."

Isang grupo ng mga babaeng teenager ang dumaan sa harap ni Alexa. Tumayo na rin siya. Madilim na ang paligid at mas tumindi pa ang lamig. Isinuot niya ang jacket na iniwan ng estranghero at nagmartsa pabalik sa kotse.

"Good evening, Hyde Park!"

Ngunit bago pa siya tuluyang maka-alis ay muli niyang narinig ang pamilyar na boses. Nahinto siya sa paglalakad. Hindi alam kung magpapatuloy o mananatili lamang sa posisiyong iyon.

"Oh, I told you, they are here. Let's go." A teenage girl wearing a thick fur coat beamed. Hinatak pa ang kasama nito.

Narinig pa niya ang tilian mula sa gawing kanan. Wala sa sariling humakbang siya patungo roon.

Pinagmasdan ni Alexa ang nagkukumpulang dagat ng mga tao, karamihan ay mga kabataan. Masigla, maingay at nagtitilian. Halos hindi nalalayo sa kanyang edad. She was never a fan of a boy group or a band. She could never understand the hype.

Sa gawing iyon ay mayroong makeshift stage. May naka-ayos na mga instrumento. Drums. Keyboard. Guitars. Pinatugtog ng isang lalaking pula ang buhok ang tambol. Muling naghiyawan ang mga tao.

"It's snowing yet you're all here. Thank you for coming," a girl with a strawberry blonde hair who's holding a black and pink guitar shouted over the microphone.

"Are you ready, Hyde Park?"

Tila tumigil ang kanyang puso sa pagtibok nang marinig iyon. Napako ang kanyang mga mata sa pamilyar na bulto ng katawan na nakatayo sa gitna ng stage. His jet black hair. Chiseled jaw and smokey grey eyes. May hawak itong gitara, malapad ang ngiti nito.

If love was a bird then we wouldn't have wings

If love was a sky, we'd be blue

If love was a choir, you and I could never sing

Cause love isn't for me and you

SA HINDI MAUNAWAANG dahilan ay muling bumagsak ang kanyang mga luha, kasabay ng malakas na sigawan ng mga tao. Ang iba ay sumasabay pa sa pagkanta ni Lucas, pero siya ay nanatiling tila isang estatwa sa kanyang kinatatayuan. Hindi natakpan ng ingay ng paligid ang musikang likha ng pagbibitak-bitak ng kanyang puso.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.

If love was an Oscar, you and I could never win

Cause we can never act out our parts

If love is the Bible, then we are lost in sin

Because its not in our hearts

IPINIKIT NI ALEXA ang kanyang mga mata. Kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha ay ang unti-unting pagbuhos ng snow, naglandas ang kulay puti at malamig na patak sa kanyang balat. Bumulusok din ang mga alaala. She remembered the very first day they met.

So why don't you go your way

And I'll go mine

Live your life, and I'll live mine

Baby you'll do well, and I'll be fine

Cause we're better off, separated

PANAY ANG PAGBAGSAK ng luha ng batang si Alexa, hindi niya mahanap ang kanyang mga magulang sa party na dinaluhan. Kung saan-saan na siya nakarating. Bigla ay nilapitan siya ng isang batang lalaki— nagpakilala ito sa pangalan na Charles. Tinulungan siya nitong hanapin ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay tinawag na si Charles ng mga magulang nito. Umalis din ito kaagad pero nangakong babalikan siya.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now