Chapter Forty Seven

2.8K 46 2
                                    

Chapter Forty-seven

NAKAUPO LAMANG SI ALEXA sa isang sulok. Inabala niya ang sarili sa pagdodrawing sa sketchpad habang hinihintay ang pagdating ng iba. Lunes ng hapon, maaga siyang umalis ng opisina. Naka-schedule ang ikalawang wedding rehearsal ng kanyang ate. Kagabi ay ipinaalala na naman nito sa kanya ang tungkol doon kahit na ilang beses niyang kinumpirma na pupunta siya. Ngayon ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Valerie matapos nitong madatnan si Lucas sa kanyang bahay. Mabuti na lamang at abala ito sa pag-aasikaso sa iba pang naroon, hindi niya yata gustong mapag-usapan si Lucas. After what she said yesterday, she didn't want to see him yet. Heck! She didn't even want to think about him.

Ngunit imposibleng mangyari iyon. Kanina nga ay sinalubong siya ni Lucas nang dumating siya sa event's place kung saan gaganapin ang kasal. Tinanguan lang niya ito pagkatapos ay nilagpasan. Dumertso siya sa puwesto ni Valerie. Matapos batiin ang kanyang ate ay inalis na niya ang atensiyon sa paligid. Hindi man lang siya nag-abalang igala ang paningin. Instead, she plugged both of her earphones and let the surrounding noise fade away.

Hanggang sa maramdaman niya ang marahang paghatak ng earphone palayo sa kanyang tainga. Umangat nang ilang hakbang ang inis sa kanyang dibdib.

Nanliliit ang mga matang binalingan niya ang salarin. Sa sobrang lakas ng musika sa kanyang tainga ay hindi niya narinig ang papalapit na hakbang. Bahagyang ngisi ang ibinigay ni Lucas nang binato niya ito ng bored na tingin.

"What do you want?" she asked flatly. She clutched the edge of the sketchpad to steady herself, not that it would help. Napakalapit ng mukha ni Lucas sa kanya. Kitang-kita niya ang maiitim na linya sa ilalim ng abo nitong mga mata. Naamoy niya rin ang mint sa hininga nito. He smelled like menthol candy, his usual cologne and Lucas Damn Ford Angeles.

Ngumiti si Lucas. Naramdaman ni Alexa ang pagpasok ng earphone sa kanan niyang tainga... ibang earphone. Ang kaliwang earphone ay nakaplug sa tainga nito. Hinatak nito ang silya sa kanyang tabi pagkatapos ay umupo roon. Inilapag nito sa mesa ang hawak na cell phone.

Umangat ang kanyang kilay. There was nothing but a black screen and a play icon. The music in her left ear was still playing.

"You have to see this," malapad ang ngiti nitong wika. Mukha itong proud na proud at excited. Matagal na panahon na mula nang makita niyang ganoon si Lucas. Kung hindi siya nagkakamali, ang huling beses ay noong niregaluhan niya ito ng portrait nilang dalawa na siya mismo ang gumuhit. Tatlong taon pa lamang ang lumipas ngunit pakiramdam niya ay isang siglo na ang nakaraan.

Ibinalik niya ang tingin si cell phone. "Since when did we reach this watching a video together level?" Again, she flatly asked.

Hindi sumagot si Lucas. Sa halip ay pinindot nito ang play button. Kaagad niyang tinanggal ang earphone sa kaliwa niyang tainga. Tinitigan lamang niya ang screen.

Halos mabingi siya sa lakas ng halakhak. Nasa isang mini inflatable pool si Hopee suot ang pink na swim suit sa loob ng bathroom sa kanyang unit. Nakaupo sa likod ng pool si Honoria habang hawak si Hopee sa magkabilang baywang. May masiglang nursery song sa background. Tila sumasayaw si Hopee habang panay ang halakhak.

"Hopee, say hi to Papa," ani Honoria habang ingat na ingat sa paghawak kay Hopee. Napakalikot nito.

"Mom sent me," ani Lucas.

"Quiet..." saway ni Alexa. Nanatili ang kanyang mga mata sa video. Pinanood niya nang pinaupo ni Honoria ang kanilang anak, lumipat ang mga kamay nito sa ilalim ng kilikili. Panay ang pagtampisaw ni Hopee sa tubig.

"She's saying something..." Halo-halo ang ingay ng lagaslas ng tubig, nursery song at mga tampisaw ngunit dinig pa rin niya ang boses ni Hopee.

Yeah, she's saying something in a language only babies understand.

"Did she say what she said yesterday?" bulong ng kanyang katabi.

Nilingon niya si Lucas. Napakalapit na naman nito sa kanya. Kunsabagay, magkahati sila sa earphone at isang five-inch screen. Ilang pulgada pa at maaari nang dumikit ang pisngi nito sa kanya.

Tila naguguluhan ang ekspresiyon ng mukha ni Alexa bagaman alam niya ang ibig nitong sabihin. Wala siyang baraha upang kontrahin iyon. Nangunot ang kanyang noo. Naiinis siya kay Lucas, marahil ay ipinapanood lang nito sa kanya ang ginawa ni Hopee upang itanong lamang iyon.

Ngunit mas naiinis siya sa kanyang sarili, sa una pa lamang ay dapat hindi niya na sinabi ang mga salitang iyon. She said it was from Hopee, but for sure Lucas Damn Ford wouldn't buy it. How could she interpret their daughter's gibberish words in the first place?

"She's saying something again," ani Lucas.

Dumistansiya si Alexa nang kaunti bago pa tuluyang maghinang ang kanilang mga pisngi. Isipin pa lamang iyon ay gumapang na ang mainit na pakiramdam sa kanyang mukha. Ibinalik niya ang atensiyon sa palabas at binalewala ang init na naramdaman.

"What was Hopee talking about? You seem to understand baby dialect." A playful grin spread across his handsome face. Umabot hanggang sa magandang pares ng mga mata nito ang ngiting iyon. He was teasing her. But she wouldn't let him win. Two could play this game.

"Hopee said she no longer want to see her father."

"Really?" Umangat ang isang kilay ni Lucas. "Didn't she just say "I love you" to me merely twenty four hours ago? I don't believe Hopee will easily have a change of heart." Walang pasintabing binanggit nito ang ayaw niyang marinig at maalala.

"I'm the baby dialect interpreter here, right? In case you don't trust my skills, go ahead and hire someone else." She tried not to sound pissed.

Malakas na halakhak ang pinakawalan ni Lucas dahilan upang mangunot na naman ang noo ni Alexa. "Jesus! Baby Doll, do you know how much I miss you?" anito matapos siyang pagtawanan.

"We were together yesterday," she hissed as she glared at him.

"Alam mo ang ibig kong sabihin," seryoso nitong tugon. Gone was the playful grin... and totally forgotten.

Iniwas ni Alexa ang tingin. Hindi siya sumagot, sa halip ay inalis na lang niya ang earphone nito sa kanyang tainga pagkatapos ay muli siyang dumistansiya. She had to remind herself that she should keep her guard high. She shouldn't let Lucas tease her like that again. Never again. Hindi ibig sabihin na binuksan na niyang muli ang kanyang puso ay papasukin na niya si Lucas. Off limits pa rin ito. Bawal lumagpas sa linya.

The next few seconds passed by in awkward silence. Mabuti na lamang at lumapit na si Valerie kasama si Charles. Nagsimula na ang wedding rehearsal.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now