Chapter Twenty three

4.3K 119 8
                                    

Chapter Twenty-three

IF THIS WAS a normal occasion, Alexa had already thrown herself in a bar and drank her brain out to oblivion. But this wasn't a normal occasion. Hindi na siya maaaring magpakalasing upang makalimot gaya ng dati.

She was already paying the price of her actions. Kung hindi nangyari ang gabing iyon, hindi siya mahihirapan at masasaktan. That night was a terrible mistake.

"Alexandra, get ready, we're leaving for the party," pagkatok ni Lucas sa pinto ng kanyang silid. Matapos ang pag-uusap nila kahapon ay hindi na siya lumabas. Gusto na lamang niyang ikulong ang sarili malayo sa mundo.

Hindi siya sumagot. Nagbingi-bingihan siya. Kung puwedeng maging bingi na lamang siya habang-buhay. Kung puwedeng hindi na lamang niya marinig ang lahat ng masasakit na bagay na sasabihin nito, ang masaklap na katotohanan.

If she could only be deaf and numb— the world would have been a better place.

"Alexandra!" sigaw ni Lucas sa kabilang panig ng pinto.

"Go away! I don't want to go with you!" balik niyang sigaw at nagtalukbong siya ng kumot. Ayaw niyang pumunta kahit saan lalo pa't kasama niya si Lucas.

"Damn it, Alexandra. Come here this instant or I will drag you out," galit nitong sigaw. Narinig pa niya ang pag-click ng seradura at ang pagbukas ng pinto.

"For once, will you listen?"

Muli lamang siyang nagbingi-bingihan.

"I will wait for you in five minutes."

Marahas na tinanggal ni Alexa ang kumot na nakabalot sa kanya at bumangon. Underwear lamang ang suot niya. Batid niya ang biglang paglunok ni Lucas.

Matalim ang titig na binigay ni Alexa sa asawa. "I don't fucking want to go anywhere with you! I'm out of here," aniya at nilagpasan ang galit na galit na si Lucas.

"Where are you fucking going?"

"Anywhere with no sign of you. I'm so sick and tired of dealing with you. I just want to be gone away from your life and you will never find me," she said with so much pain and remorse.

Umiling lamang si Lucas at malalim na nagbuntong hininga. Sa isang sandali ay nakita niya ang biglang paglungkot ng mata nito saka muling bumalik ang galit na ekspresiyon. O baka namamalik-mata lamang siya.

"Not even hell can keep me from you. I can always find you. I can always come back to you," matigas nitong sabi at nilagpasan siya saka ito mabilis na lumabas ng pinto ng kanyang silid. Laglag ang pangang pinagmasdan niya ang paghakbang nito papalayo.

What the hell was that?

UGH! DARN!

Why am I even here? galit na tanong ni Alexa sa sarili nang lumabas siya ng kotse. Hindi na siya dapat pumunta sa party. Handa na siyang suwayin si Lucas, pagod na siyang maging empleyado lamang nito.

Ngunit nang marinig itong kausap si Everlyne sa telepono at nalaman na pupunta ang impakta sa party ay nagbago ang isip niya. Nagkaroon siya ng dahilan para tumuloy.

Nag-angat ng tingin si Alexa. Nasa harap siya ng isang malaking hotel.

Umiling siya. This would be her night. Matapos ang gabing ito ay iiwan na niya si Lucas. Sa pag-alis niya ay nakasisiguro siyang susundan siya ng asawa... magkakandarapa ito para sa kanyang atensiyon.

Inabot niya sa valet ang susi ng kanyang kotse at hinubad ang suot na fur coat. Sa ilalim niyon ay hapit na hapit na bare-back red dress ang kanyang suot. Halos isang dangkal ang taas niyon mula sa kanyang tuhod. Kulay pula rin na may manipis at limang pulgadang takong ang suot niyang sapatos.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now