Chapter Twenty seven

4.8K 124 20
                                    

Chapter Twenty-seven

NANG MGA SUMUNOD na araw ay muling nakatanggap ng package si Alexa. Gaya ng mga nagdaang araw ay manika rin iyon.

"Who would send me fashion dolls? It's creepy, Ate," ngumuso siya. Kumunot ang kanyang noo nang makita niya sa screen ng tablet ang paghalakhak ng nakatatandang kapatid.

"Baka naman secret admirer mo?" pang-aasar pa nito.

"What am I, five years old? Shouldn't I be receiving flowers kung secret admirer nga ito?" iling pa niya. "Besides, wala akong panahon para magkaroon pa ng secret admirer. I'm a very busy person, walang lugar ang lalaki sa buhay ko. Isa pa, uso pa ba iyon? That's too old school," palatak niya.

"Ewan ko sa iyo, Alexa," iling ni Valerie. "It's been a year."

Umiling siya. "Yes, it's been a year and I'm so much better now. I have Hopee and I could never ask for more but a better life for her." Muli siyang nagbuntong hininga.

"Anyway, kailan ba kayo uuwi para makita ninyo ang mga design ng wedding gowns na ginawa ko para sa kasal ninyo ni Charles?" tanong niya upang ilihis ang usapan.

"Bukas," ngisi nito. "Uuwi na kami bukas. Miss na namin si CJ," anito.

"Love, nagugutom na ako, tara na!" dinig niyang wika ni Charles sa background.

"Go ahead," aniya.

Ngumuso si Valerie. "Istorbo talaga ang lalaking iyon kahit kailan," maktol pa nito. "Bye, Sis, see you tomorrow."

"Bye." Inilapag ni Alexa ang tablet sa mesa at nagmartsa na patungo sa kanyang kama.

Doon ay nakahiga ang natutulog na sanggol. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kanyang anak. Namana nito ang kanyang balat ngunit ang mga mata nito maging ang ilong ay kawangis ng sa ama. Napa-iling na lamang si Alexa saka niya hinaplos ang pisngi nito.

"Yes, it's been a year. At sa mga darating na taon ay tayong dalawa lamang ang magkasama. Sana nga lang ay huwag munang dumating ang panahon na itanong mo sa akin kung nasaan ang iyong ama," aniya at humiga sa tabi ni Hopee.

Mula noong araw na umalis siya sa England ay tuluyan na niyang tinalikuran si Lucas. Wala na rin siyang balita tungkol dito. Ni hindi rin ito nagparamdam sa kanya. May bahagi ng kanyang sarili na nasaktan dahil hindi man lang ito kumilos para bawiin siya sa kanyang mga magulang. Pero pilit niyang tinabunan ang lahat ng sakit na idinulot nito sa kanya.

Kahit pa ang kapatid nitong si Charles ay hindi nagbigay ng kahit katiting na impormasiyon. He was wise enough not to mention Lucas in front of her and she was thankful.

Totoo ang sinabi niya kay Valerie kanina, she was so much better now. Hindi na siya mahina. Hindi na siya tanga. At patuloy siyang mabubuhay para sa kanyang anak. Mabagal man ang kanyang takbo ay hindi siya titigil.

Ipinikit ni Alexa ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan siyang dalawin ng antok.

NANG SUMUNOD NA araw ay maagang pumasok sa trabaho si Alexa. Kailangan niyang magmadali dahil malapit na ang fashion show. Kailangan niya iyong pagtuunan ng pansin. Doon nakasalalay ang pangalan niya at ang magandang buhay na maibibigay niya sa kanyang anak. Kailangan niyang patunayan sa kanyang sarili na kaya niyang itaguyod si Hopee na mag-isa.

Hopee was the sole reason why she's still waking up everyday, why she's striving hard. Hopee was the only hope left of her when everyone else was gone. Wala siyang hindi gagawin para kay Hopee.

Anim na buwan na ang nakakaraan nang ipanganak niya ang isang batang babae. Noong una ay mahirap dahil kahit pa ito ang muling nagbigay sa kanya ng pag-asa ay ito pa rin ang nagpapaalala sa kanya sa mga bagay na gusto na niyang talikuran. But when she heard her daughter's first cry, she knew that she must not be a failure again.

"Good morning, My Meant To Be," pagbasa ni Alexa sa mensahe ni Bryce sa facebook nang buksan niya iyon matapos pumirma ng mga dokumento. Nangangalay na ang kanyang mga daliri sa kasusulat kaya't saglit siyang nagpahinga.

"Good morning to you, too," simple niyang tugon.

"How's yesterday?"

Nagtipa siya ng sagot. "Still a failure. I can't find the perfect fabric for the finale gown. I'm so going to die! The show's coming really soon."

Nagbuntong hininga si Alexa at inilapag ang kanyang cell phone sa mesa. Umaandar ang oras ngunit mabagal pa rin ang kanyang takbo.

Muling tumunog ang kanyang cell phone, dinampot niya iyon at binasa ang reply ni Bryce.

"I know you can do it, if I were only there, I would really help you."

Napangiti si Alexa sa nabasa kaya't sinagot niya ito ng emoticon na nakangiti.

"I can do it, Bryce. I must."

"I don't know when our flight is yet, but I do hope to be there in time for the show."

"Speaking of which, can you recommend me a fabric supplier?"

"You know the best supplier, Alexa." Napasimangot si Alexa sa naging tugon nito.

"I have to go, got a meeting to do. See you soon," mabilis niyang isinarado ang facebook app at inalapag muli ang cell phone sa mesa, hindi na niya hinintay pang sumagot si Bryce. Hindi niya nagustuhan ang naging tugon nito. How could Bryce tell her that?! Malamim ang buntong hiningang pinakawalan niya saka siya umiling.

"Focus. Work. Hopee," bulong niya sa sarili habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata. "Focus. Work. Hopee," pag-uulit pa niya. Bumilang siya hanggang tatlo bago muling binuksan ang kanyang mga mata.

Dinampot niya ang sketch pad sa mesa at tinungo ang pinakahuling pahina niyon. Doon ay nakaguhit ang isang evening gown. Hanggang talampakan ang haba niyon at may mahabang manggas na yari sa lace.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang pumasok sa kanyang isip ang isang imahe. Sa kanyang isipan ay nakikita niya ang gown na iyon na suot ng isang modelo habang rumarampa ito sa runway. Malapad ang kanyang ngiti nang tawagin ang kanyang pangalan bilang designer. Nilapitan niya ang modelo at hinawakan niya ang tela na perpekto para sa disenyo ng gown.

Napa-iling na lamang siya nang muling binalikan ang sketch pad. Pinasadahan niya iyon ng tingin. Sa pinakababa ng pahina ay nakasulat ang dalawang salita. Hosea Penelope.

Bahagya siyang napangiti. This show is for Hopee.

"Excuse me, Ms. Alexa, may package po kayo," wika ni Zia nang lapitan siya nito. Ibinaba niya ang sketch pad sa mesa at tinanggap ang paper bag, kulay pink iyon at may nakaguhit na paru-paro.

"Thank you," aniya at masusing tinitigan ang paper bag.

"Mauna na po ako, Ma'am."

Tamad siyang tumango. Nang maka-alis si Zia ay saka pa lamang niya binuksan ang bag.

"Doll? Again?" bulong niya sa sarili nang makita ang isang manika.

Inilapag niya iyon sa mesa. It was a fashion doll with long and curly side-swept brown hair. It was wearing a red jacquard strapless gown that has full skirts and a huge bow as part of the bodice and waist. The tail of the bow was embellished with a silver swirl design.

Hindi mapigilan ni Alexa na mamangha sa manikang hawak. Napakaganda ng detalye ng suot nitong gown.

Mabilis niyang pinindot ang button ng intercom.

"Hello, Ms. Alex," dinig niyang wika ni Zia sa kabilang linya.

"Try to find the sender of the dolls. We might need that person," pormal niyang utos. But excitement seemed to course through her body.

"Yes, Ma'am."

"Find that person as soon as possible."

"Okay po."

Kaagad niyang pinutol ang linya matapos niyon. Muli niyang tinitigan ang manika at doon pa lamang niya napansin ang mga letrang nabuo mula sa silver swirl design. Itinagilid niya ang manika, napasinghap siya nang mabasa ang nakasulat.

"Hosea Penelope."

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now