Chapter Twenty five

4.6K 115 12
                                    

Read stories for free at www.shewriteslove.com


Chapter Twenty-five

Lucas Ford Angeles

"EXPLAIN YOURSELF," matigas na wika ni Alejandro.

Naramdaman na lamang ni Lucas ang malakas na paglagapak ng kanyang likod sa pader habang mahigpit nitong hawak ang kuwelyo ng kanyang polo. Galit na galit na mga mata ang iginawad nito sa kanya.

"Anong ginawa mo sa anak ko? Bakit mo siya sinaktan? Hindi ito ang ipinangako mo, Lucas! Instead of fixing her, you crushed her more. Naniwala ako sa iyo. Pinagkatiwalaan kita," sunod-sunod nitong sigaw, lalo pang humigpit ang paghawak nito sa kanya. Halos hindi na siya makahinga.

Wala siyang nagawa kundi ang pakinggan lamang ito.

How could he possibly explain his part? He didn't even know what he did. He couldn't even understand his own mind. All that he knew was... he's only preventing his heart from breaking. There were so many ways Alexa could do to break his heart and he didn't want another wound.

"I told you that it's risky. Pero ipinilit mo ang sarili mo. Sinabi mo na magagawa mong ibalik ang anak ko na masaya, na nakangiti," nanunuya itong umiling. "But what did I see? Kahit katiting na liwanag mula sa mga mata niya, wala," anitong dismayado.

Nanatiling tikom ang bibig ni Lucas. Sinalo lamang niya ang bawat masakit na salitang ibinato ng kanyang father-in-law. Wala siyang lakas upang depensahan ang sarili. Nangyari na ang mga nangyari. Hindi na niya mababago pa ang mga iyon.

"Did you really love Alexa or you just want to play with her heart? I should have seen it coming, I shouldn't have trusted her to you." Marahas siya nitong binitiwan. "This will be the last time that you will break her heart," anito at sinibat siya ng matalim na titig bago siya tuluyang tinalikuran.

Pinagmasdan lamang niya ang papalayo nitong pigura.

It was never his intention to hurt Alexa. Gusto lamang niya na layuan na siya nito. Na umalis na ito sa buhay niya. Dahil hindi niya kayang layuan ito, gusto niya na kusa itong umalis.

Ngunit sa tuwing magbabanta ito na mawala sa buhay niya ay tila may puwersang nagsasabi sa kanya na ikulong ito, na itali ito sa kanya, dahil kahit anong pilit niyang humakbang palayo kay Alexa ay natatagpuan pa rin niya ang sarili na humahakbang pabalik dito.

He must leave. He must give up. In this battle, he already lost a long time ago. Mariing ipinikit ni Lucas ang kanyang mga mata. Memories flashed back so damn fast.

FUCK!

Hindi malaman ni Lucas kung ano ang dapat niyang gawin noong araw na magising siya na katabi si Alexa sa isang kama na pawang walang suot. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon sa dalaga.

Alexa initiated the kiss but he should be sensible enough not to take advantage. Best friend niya si Alexa. Bagaman mahal niya ito ay hindi niya dapat sinamantala ang nararamdaman nitong sakit.

Lalo pa siyang nataranta nang makita niya ang bahid ng dugo sa bed sheet. Kailangan ay may gawin siya. Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya.

Ngunit tanging si Charles pa rin ang bukambibig nito. Matapos ang nangyari ay si Charles pa rin ang hinahanap nito.

Hindi na siya makapapayag. Siya nga ang kaniig ni Alexa ngunit ibang lalaki naman ang iniisip nito. Pagod na siya na maging best friend lamang. Kailangan na niyang kumilos. Walang mangyayari sa pagmamahal niya kung kikimkimin niya lamang.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon