Chapter Forty Two

4.3K 103 7
                                    

Chapter Forty-two

"BREAKFAST?"

Natulala si Alexa nang buksan niya ang pinto ng kanyang unit. Nasa harap niya si Lucas. Bitbit nito sa magkabilang kamay ang iba't-ibang paper bags. Mabilis din niyang isinarado ang pinto. Kagigising lamang niya for freak's sake. Nagising siya dahil sa paulit-ulit na pagkatok nito. Nang sipatin niya ang wall clock ay ala-sais pa lamang ng umaga.

"Ang aga mo at sinong may sabing pumunta ka rito?" tanong niya habang nakasandal sa pinto.

"Gusto kong sulitin ang buong araw na kasama ang mag-ina ko. Sayang ang bawat segundo."

May biglang sumipa sa dibdib ni Alexa nang marinig iyon. Hindi niya iyon pinakinggan.

"Hindi ba't Sunday ang napagkasunduan natin kahapon?"

"Today is Sunday."

Naningkit ang kanyang mga mata nang marinig ang halakhak sa kabilang panig ng pinto. Sabado ba kahapon? Natampal niya ang sariling noo. Nakalimutan niya ang tungkol doon. Seeing Lucas made her forget things. Ang hindi lang niya makalimutan ay ang sakit na idinulot nito sa kanya.

"Alexa, are you still there?"

Umirap siya at nagmartsa palayo sa pinto.

"Sandali lang." Nagmartsa siya pabalik sa kanyang silid at dali-daling naligo at nagbihis. Tinitigan niya ang kanyang repleksiyon sa salamin habang nagsesipilyo.

"Bakit ko ba ginagawa ito? Si Lucas Damn Ford lamang naman iyon!" sermon niya sa sarili. Nang matapos ay sinilip niya muna si Hopee sa crib. Natutulog pa rin ang bata. Saka siya bumalik sa kama at muling humiga. "Manigas ka diyan sa paghihintay, Sneaky Scheming Bastard!" usal niya habang pinagmamasdan ang cctv video sa monitor.

"ANONG KAILANGAN MO?" malamig niyang tanong nang muli niyang buksan ang pinto.

"Dadalawin ang anak ko," ani Lucas matapos tumayo. Sa loob ng dalawang oras ay nakaupo lamang ito sa tapat ng unit. Hindi niya inakala na kaya nitong maghintay nang ganoon katagal.

"Natutulog pa si Hopee."

Pumasok na si Lucas. Isinarado naman niya ang pinto. Batid niya ang paggala nito ng paningin.

"Si Yaya Norma?"

"Umalis si Yaya kahapon," tamad niyang sagot. "Mamayang alas-diyes ay magsisimba kami ni Hopee. Sumama ka kung gusto mo, pero baka masunog ka lamang doon," nanunuya niyang wika.

Hindi nagkomento si Lucas sa kanyang sinabi. Sa halip ay nilapag nito ang mga paper bag sa center table. "Nagdala ako ng breakfast. Hindi na kasi ako nakapag-agahan sa bahay."

"Ikaw na lang, hindi ako nagugutom." Nakapag-almusal na siya kaninang alas-siyete. Isa pa, tiyak na napakalamig na ng bitbit na pagkain ni Lucas. "Maupo ka at huwag kang feel at home."

Bahagya itong humalakhak. Napakatagal na mula nang huli niya itong narinig na tumawa. And just like the old times, his laughter sounded like music to her ears. Kaagad siyang umiling upang itapon ang ideyang iyon.

"Look, let's eat. I really can't finish this."

"Huwag na. Baka may lason pa iyan. Ikaw na lang," ismid niya saka umupo sa couch.

Umupo naman ito sa tapat niya. Inilabas nito ang mga food container. Mayroong bacon, hotdogs at fried rice.

"Napadami ang dala ko kaya saluhan mo na ako."

Umangat ang isa niyang kilay. Sigurado naman siyang sinadya nito na magdala ng marami. "Sa iyo na lang para mabulunan ka," aniya at tumayo para bumalik sa kuwarto.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now