Chapter Forty Three

4.1K 86 6
                                    

Chapter Forty-three

"ANO?"

Kaagad na napatayo si Alexa nang marinig ang sinabi ni Zia sa kabilang panig ng telepono. Nangunot ang kanyang noo nang napagtanto ang epekto ng ibinalita nito.

"Why aren't they coming?" naiiling niyang tanong. Sa gilid ng kanyang mata ay batid niya ang pag-angat ng tingin ni Lucas. Nagtatanong ang titig na iginawad nito sa kanya. Huminga siya nang malalim at muling umiling.

"May lagnat daw po si Vinni. Nasa Cebu pa po si Lyndel, naiwan daw po ng eroplano."

"Oh God!" tumahip ang kanyang dibdib. May deadline siyang kailangang i-meet. Hindi puwedeng wala ang mga empleyado niya.

"How about the materials from Floralis?"

Maybe she would just ask Valerie for help, siguro naman ay may mga kilala ito na maaaring tumulong sa kanya. For one, pareho silang artists. Even if she didn't want to ask anyone for help, she's left with no choice.

"Iyon din po pala, Ma'am, hindi pa rin po dumarating ang shipment from Floralis."

Naningkit ang kanyang mga mata at nagsalubong ang kanyang kilay. Huminga siya nang malalim at pinakalma ang kanyang sistema. She shouldn't be stressed on a very early Monday morning. Why did she have to have bad news for breakfast?

"We're running out of supplies.—" Damn! – "We're running out of time. Bakit hindi mo ito kaagad sinabi sa akin?"

"Ngayon ko rin lang po nalaman, Ms. Alexa, nang tumawag si Lyndel. Noong huling report niya sa akin ay makaka-abot daw ang materials... ngunit wala pa rin po hanggang ngayon."

Napaupo na lamang muli si Alexa. Pinatay na niya ang tawag. Pakiramdam niya ay nanghina ang kanyang tuhod. She was just starting. She shouldn't be jeopardized.

Sa tapat niya ay si Lucas. Muli itong nag-angat ng tingin at nilapag ang kape sa mesa. Hindi pa rin ito umuuwi.

"Is there something wrong?" ani Lucas, bakas ang concern sa mga mata nito.

"Do you really have to ask the obvious?" aniya at umirap.

"What happened to Floralis?"

Umangat ang kanyang kilay. "None of your business."

Itinukod nito ang parehong siko sa mesa. He leaned forward. Mataman siya nitong tinitigan gamit ang seryosong mga mata. "This is also my business, you are my business, Baby Doll."

Nahigit ni Alexa ang kanyang hininga nang naproseso niya ang sinabi nito. Mabilis siyang umatras at tumayo. Iwinaksi niya ang naramdamang mumunting pilantik sa kanyang dibdib.

"I am not your business. Baka nakakalimutan mo, you're only here for Hopee. I am none of your concern. Makakauwi ka na. Overstaying ka na rito!" mataray niyang wika.

Ngunit hindi ito nagpatinag. Tumayo si Lucas upang pumantay sa kanyang lebel. "I want to help you. Let me help you."

"There's nothing you can do that will help me." Sinibat niya ito ng malamig na tingin.

"There is and you know that," anito at ngumisi.

NAIILING NA NAG-ANGAT ng tingin si Alexa mula sa binabasang files. Listahan iyon ng orders. "Leander's Gala Night is on Sunday. How many dresses and suits have we made so far?" pagtukoy ni Alexa sa isa sa mga kliyente.

"Tapos na po ang seventy-five percent para sa Leander's Gala Night," sagot ni Zia, mataman ang tingin nito sa laptop.

"Can we possibly complete the remaining twenty-five percent by Friday?" nag-aalala niyang tanong.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now