Chapter Fifteen

4K 97 8
                                    

Chapter Fifteen

PANAY ANG HABULAN ng mga malilikot na daga sa dibdib ni Alexa habang hinihintay niya ang pagbukas ng pinto at pagdating ni Lucas. She felt extremely pretty but nervous as hell. Lahat ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili na inipon niya ay naglaho na lamang ng parang bula.

Nahigit niya ang kanyang hininga nang marinig niya ang pagclick ng seradura. This is it! Kailangan na niyang magsimula. Kailangan niyang magtagumpay.

"Coffee," dinig niyang wika nito pagkatapos ay umupo sa swivel chair.

Alexa swayed her hips as she walked towards Lucas's table. Hawak niya sa kanang kamay ang tasa ng kape na inutos nito.

Nag-angat ito ng tingin mula sa papeles na pinipirmahan pagkatapos ay sinalubong ang kanyang tingin. Ngumiti si Alexa at kinagat ang ibaba niyang labi na tila nang-aakit. She's good at this. She's good at luring people. Sa mga Angeles lamang yata siya pumalya.

Kumunot ang noo ni Lucas at sa isang saglit ay nakitaan niya ng confusion ang mga mata nito.

Improving! At least, he's not cold.

Napansin niya ang pagpasada ng mga mata nito mula sa kanyang ulo hanggang paa. She suddenly felt uneasy but still managed to maintain her composure.

Hanggang sa unti-unti ay muling umangat ang tingin nito. Naglakbay ang mga mata nito sa kanyang hita, napalunok ito at mabilis na umiling pagkatapos ay muling nagtagpo ang kanilang mga mata. Pakiramdam niya'y umaapoy siya sa ginawa nitong paghagod ng tingin.

But the fire died when his eyes went suddenly cold, deep and dark.

"What the fuck are you wearing, Alexandra?" bigla ay sigaw nito.

Tumayo si Lucas, his built towered her making him look dominant and scary. Napalunok si Alexa nang makita ang galit sa mukha nito.

No! hindi siya dapat magpasindak sa lalaki.

Pinatapang ni Alexa ang kanyang ekspresiyon. There was no way in hell, no way at all that she would cower in front of him. "Clothes, Mr. Angeles," pagkuwan ay sagot niya sa pormal na tono. Nagkibit-balikat pa siya bago inilapag ang tasa sa mesa.

"Is there anything else you need, Sir?" aniya na binigyan pa ng emphasis ang salitang 'Sir.'

"Damn hell! Are you trying to kill yourself? It's damn winter!" muling sigaw nito na ikinagulat ni Alexa.

Is Lucas still worried about me? Is he still concerned?

Imposible! Hindi naman iyon ang ipinaramdam ng asawa sa kanya nitong mga nakalipas na linggo.

Mariing ipinikit ni Lucas ang mga mata at pinisil ang tungki ng sariling ilong. "Get out of my office this instant, make sure to come back here with proper clothes," frustrated nitong sabi.

"I'm on proper clothes, Sir," protesta ni Alexa. "There's no rule that says I cannot wear this," matapang niyang sagot. She was aware of the dress code. Alam niyang wala siyang nilabag na panuntunin. Isa pa, wala naman siyang pakialam, she is the CEO's wife, hindi siya mapapalayas sa trabaho at bukod doon, mayroon siyang goal na dapat ma-achieve.

"Then there's one now!" muli itong nagmulat ng mga mata. He glared at her, "Get out!" he growled.

That's her cue. Malapad ang ngiti ni Alexa nang makalabas siya ng opisina. Nasigawan man siya ni Lucas at nakitaan niya ito ng galit ay nagawa pa rin niyang ngumiti. At least, hindi nagyeyelong mukha ang iniharap nito sa kanya. She could sense his frustration and his struggle for self-control.

Ganiyan nga, Alexa. Make him feel your presence. Make him feel what he's missing.

NANATILI LAMANG SI Alexa sa lounge ng parehong palapag. Wala siyang balak bumalik sa opisina ni Lucas at lalong wala siyang balak sundin ito.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now