Chapter Thirty Nine

4.8K 85 7
                                    

Chapter Thirty-nine

"THANK YOU, Earl."

"Woah! Tama ba ang narinig ko?"

Nangunot ang noo ni Alexa nang humalakhak si Earl. Matapos niya itong pasalamatan ay iyon lamang ang napala niya. Isang oras na ang lumipas mula nang nagsimula ang party. Ilang beses din siyang nakipagdebate sa sarili kung dapat niya bang lapitan si Charles at ang mga kaibigan nito.

But she invited them and she was left with no choice but to say the words she should have said right after the fashion show.

"Earl!" Lumapit si Charles at sinapak ang best friend nito sa braso. Ngumiwi lamang si Earl.

"Pagpasensiyahan mo na itong si Earl. Alam mo namang kinakalawang na ang utak nito," ani Charles. Bahagya itong ngumiti.

Sumimangot si Earl. "Charles!"

Bago pa ito makapagprotesta ay muling nagsalita si Charles. "Salamat nga pala sa pag-imbita mo sa amin, Alex."

"No worries, Charles. Thank you for helping me..." aniya at mabilis na iniwas ang tingin. Pakiramdam niya ay uminit ang kanyang pisngi. Sunod niyang binalingan ang mga kaibigan ni Charles na nakapuwesto malapit sa beer fountain. "Laurence, Rodge, Rondell, thank you, guys."

Ngumisi lamang ang mga ito. Nakita niya pang nag-hi five ang magkakaibigan.

"Sige na... enjoy the night," tipid siyang ngumiti nang muling nilingon ang dating katipan. "I really mean it. Thank you."

"I really hope that you can come to our renewal of vows," ani Charles.

Natigilan si Alexa sa deretsahan nitong imbitasiyon. Halos nakalimutan na niya ang tungkol doon.

"I can't promise. Besides, you know the situation," aniya. Muli niyang ginawang blangko ang kanyang ekspresiyon.

But Charles only looked at her with warm misty eyes. Halos mapawi ng titig na iyon ang lamig sa kanyang mata.

"We're still wearing your designs, though. And we still want you to be part of it." Huminga ito nang malalim. "I'm very sorry for everything that I did to you, for every heartache and every tear. I really wish we can all start again. We're still family, Alexa. We will always be family."

"Hindi na siguro, Charles." Umiling si Alexa. "Si Hopee na lang ang nag-iisang pamilya ko. " Inalis niya ang tingin mula sa kausap. "This party is for the success of Hosea Penelope Designs, for business purposes only... and not for family's sake. Let's leave it that way," pormal niyang tinig at tuluyan nang iniwan si Charles.

"Woah!" dinig niyang wika ni Earl habang papalayo siya. Hindi na siya nag-abala pang balingan ang mga ito.

"ALEXA!"

Umirap siya nang marinig ang tinig ng kanyang kapatid. Aalis na sana siya. Ayaw na niyang magtagal pa sa party. Malaya ang mga itong ipagpatuloy ang party kung gugustuhin buong magdamag. Iiwan na lang niya ang mga ito.

"Alex... why are you leaving too soon?"

"I have no more reasons to stay. I already did what I need to do," tamad niyang sagot. Nagawa na niya ang kanyang pakay. Napasalamatan na niya ang lahat.

"Can't you stay a little longer?"

Nangunot ang kanyang noo. "I'm bored."

Napapikit siya nang tumama sa kanyang mukha ang malilikot na liwanag mula sa strobe lights. May mga sumasayaw sa iba't-ibang bahagi ng rooftop. Tila nagkaroon ng makeshift dance floor. Napailing siya. Neon lights, loud music and drinking her brain out used to be her thing. She never thought that she would change.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now