Chapter Thirty Eight

4.5K 92 7
                                    

Chapter Thirty-eight

"CONGRATULATIONS!"

"You're finally here!"

"We've been waiting for you."

Napapitlag si Alexa nang buksan niya ang pinto ng opisina. Bumungad sa kanya sina Valerie at Charles. Maging ang mga modelo niya sa katatapos lang na fashion show ay naroon din. To her surprise, Nicholette Jacob and Marquis Enrique Madrigal were also present. Makahulugan ang ngisi ni Nicholette pagkatapos ay ikinibit nito ang mga balikat.

"What are you doing here? Paano kayo nakapasok?" kunot-noo niyang tanong matapos igala ang paningin. Hindi niya inasahan na madadatnan ang mga ito sa opisina. Malalim na ang gabi. Natitiyak niyang pagod din ang mga ito tulad niya. Walang dahilan para magtipon-tipon pa.

"I'm sorry, Ms. Alexa, mapilit po sila." Mula sa likuran ni Valerie ay sumulpot si Zia, alanganin ang ngiti nito na nauwi sa pagngiwi. Kaagad din itong yumuko matapos niya itong pagtaasan ng kilay at pandilatan ng mata.

"I'm sorry, Alexa, walang kinalaman si Zia rito," kalkuladong wika ni Valerie. Dahan-dahan itong humakbang palapit sa kanya. "We just want to greet you for the success of your show. It was superb."

"Dapat ba akong magpasalamat?" sarkastiko niyang tugon. Tinalikuran na niya ang mga ito. "If you're done celebrating my success, you may leave," aniya at lumabas ng silid.

She didn't want to celebrate her success. She couldn't feel any success at all.

"Alexa," paghabol ni Valerie. "Can we talk, just the two of us."

Umikot siya upang harapin ang kanyang kapatid. Nagmamaka-awa ang mga mata nito. Kalkulado itong humakbang nang mas malapit. Tila natatakot na lumapit sa kanya.

Malamig na titig lamang ang iginawad niya sa kapatid. "What is there to talk about?"

"Please, Alexa? I really want to talk to you."

Binalewala niya ang pakiusap ni Valerie. Umiling lamang siya. "You can celebrate if you like. I'm leaving."

"DAMN!"

Alexa woke up with a throbbing pain in her head. Tila umiikot din ang paligid sa kanyang paningin. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Minasahe niya ang kanyang sentidong tila pumipitik.

"Yaya!" pagtawag niya.

"D'yos ko! Alexa, namumutla ka!" singhap ni Yaya Norma.

Muli siyang nagmulat ng mata. Humahangos na lumapit sa kanya si Yaya Norma. Karga nito sa Hopee. Sinubukan niyang tumayo upang kunin ang kanyang anak. Baka sakaling bumuti ang kanyang pakiramdam kapag nayakap na niya ito. Ngunit nang bumangon siya ay lalo lamang siyang nahilo.

"Humiga ka muna, 'Nak. Huwag mong pilitin na bumangon. Sinabi ko naman sa iyo na magpahinga ka. Umidlip ka kahit saglit. Halos buong linggo na wala kang tulog at pahinga. Maging ang pagkain ay nakaligtaan mo. Wala kang ginawa kundi magtrabaho," nag-aaalalang sermon ni Yaya Norma.

"Yaya naman!" reklamo niya na parang batang paslit.

Binigyan siya nito ng seryosong tingin. Wala siyang nagawa kundi sundin ito. Nang nakahiga na siya ay lumabas na ang mga ito.

Tama si Yaya Norma. Buong linggo ay wala siyang ibang inatupag kundi ang pag-aasikaso para sa fashion show. May ilang gabi rin na hindi siya umuwi sa condo, nasa opisina lamang siya at nagtatrabaho kasama ang kanyang mga empleyado at modelo. Ibinuhos niya ang lahat ng atensiyon para sa event, para siguraduhin na magiging perpekto ang lahat.

The event wasn't perfect. But it was fine. Hindi man nakarating ang male models niya ay naging maayos ang pagtanggap ng mga manonood at spectators sa kanyang mga disenyo.

Somehow, she knew that she must be thankful to Charles and his friends for saving her from an embarrassing situation last night. Kung hindi tumulong ang mga ito ay baka naging katawa-tawa siya sa fashion show.

Napailing siya. Hindi man lang siya nagpasalamat. What she only gave them was just a cold treatment when they wanted to celebrate her success. It wasn't only her success. It was a team effort. She had totally forgotten about that fact. Damn Lucas Fucking Ford for messing her night again.

Muli siyang umiling at inalis sa kanyang isipan ang dahilan kung bakit nasira ang dapat sana'y maganda niyang gabi. She made a mental note to organize a small victory party for her team even if that meant seeing Charles Angeles, his friends and his wife.

PIKIT-MATANG HUMINTO si Alexa sa tapat ng isang pinto. Kanina habang inaakyat pa lamang niya ang hagdan ay dinig na niya ang ingay. Masiglang-masigla ang musika mula sa kabilang panig niyon.

"Am I really doing this?" makailang ulit niyang tanong sa sarili. Huminga muna siya nang malalim bago pinihit ang seradura.

"Good evening, Ms. Alexa."

"You're finally here!"

Sunod-sunod na pagbati at makukulay na lightsticks ang sumalubong sa kanya.

"We've been waiting for you, Ma'am," ani Zia nang lapitan siya. Inabot nito sa kanya ang isang color-changing lightstick.

"Nandito na po ang lahat," dagdag pa ng kanyang sekretarya.

"Oh, nice..." aniya sa kawalan ng sasabihin.

Iginala na lamang niya ang paningin sa kabuuan ng rooftop. Humigit-kumulang sampung picnic mats ang nakalatag sa sahig. May mga mesita kung saan nakapatong ang mga pagkain at inumin. May mataas na beer fountain sa pinakadulong mesa. Napansin niya rin ang dalawang poste ng walang sinding strobe lights. Ang mga light stick ang nagsilbing liwanag sa paligid. Sa bawat banig ay naroon ang kanyang mga empleyado, mga modelo at maging sina Charles at Valerie at ang mga kaibigan ng mga ito.

Iniwas niya ang tingin nang maramdaman ang pagtitig sa kanya ng grupong iyon. Ipinagpatuloy niya ang obserbasiyon sa dati-rati'y walang kabuhay-buhay na rooftop na bahagi ng building kung saan matatagpuan ang opisina ng Hosea Penelope Designs. Ang gusali ay isa sa mga property ng kanyang pamilya. Gusto na nga niyang umalis ngunit kailangan pa niyang mag-ipon at maghanap ng ibang building.

Umiling siya. Ayaw na muna niyang isipin ang tungkol doon. The night was for celebration. Nothing else.

"How did you pull this off?" tanong niya upang ilihis ang takbo ng kanyang isipan.

"Do you like it?"

Hindi pa man nasasagot ni Zia ang kanyang tanong ay may nagbato rin sa kanya ng isa pang tanong. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Valerie.

"It's good," tamad niyang sagot. Ngunit sa loob niya ay talagang nagustuhan niya ang setup. Hindi niya inasahan na ganoon ang madaratnan niya.

Ipinaubaya niya kay Zia ang pag-aasikaso ng party. Gustuhin man niyang magtrabaho ay wala siyang nagawa kundi sapilitang magpahinga. Mahigpit ang pagbabantay sa kanya ni Yaya Norma. Buong weekend ay nakakulong lamang siya sa condo.

Wala sa sariling napangiti siya. Sa buong weekend na iyon ay nakasama niya ang kanyang anak. Nakabawi siya sa isang linggong halos hindi nabigyan ng atensiyon si Hopee. Lahat naman ng pagod at hirap niya ay para kay Hopee.

"Thank you for inviting us. You don't know how much it means to me."

Binalingan niya si Valerie. Her sister looked at her with warm eyes. Bakas ang pangungulila sa mga mata nito.

"I need to repay Charles and his friends for what they did at the fashion show. Iyon lang," kaswal niyang tugon at humakbang palayo. Kailangan pa niyang batiin ang mga modelo.

Ngunit iilang hakbang pa lamang ay pinigil ni Valerie ang kanyang braso.

"What matters is that you invited us."

Marahan siyang pumiglas. Blankong tingin ang iginawad niya sa kapatid. "If you think that after this party I'll let you in my life... then think again."

Tuluyan na siyang umalis. Tinungo na lamang niya ang grupo ng mga babaeng modelo at nagpasalamat sa mga ito.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now